Inulan ng batikos ang ngayo’y suspended Palawan Department of Education (DepEd) Schools Division Superintendent (SDS) na si Dr. Natividad Bayubay nang dumating ito sa lungsod ng Puerto Princesa noong January 5 lulan ng pribadong eroplano ni Palawan Governor Jose Chavez Alvarez. Ito ay matapos hindi ito sumunod sa ipinatutupad na health and safety protocols. Ayon kay Palawan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office at Inter-Agency Task Force Head Jerry Alili, hindi nito sasampahan ng reklamo o kaso dahil nakapag-comply naman daw siya sa protocol.
“As far as we are concerned, nag-comply naman siya nung sinabing nangyari to observe the protocol, medyo tumagal lang. Kaya sa tingin ko there is no need na mag-file pa ng complaint sa kaniya.”
Sa ipinatutupa na health and safety protocols ng Incident Management Team ng Puerto princesa, dapat ay makipag-ugnayan sa mga awtoridad ang sinumang na indibidwal na nais pumasok sa lungsod upang masiguro na sila ay negatibo sa COVID-19 virus.
Ngunit sa panayam kay Dr. Dean Palanca ng Incident Managemnt Team ng Puerto Princesa, wala silang hawak na anumang papeles ni Bayubay. Idagdag pa ang pag-diretso nito sa kaniyang opisina sa DepEd Schools Division Office kung saan siya ay sinundo ng IMT upang mai-quarantine.
Sa panayam ng Palawan Daily News team kay Palawan DepEd Officer-In-Charge Schools Division Office (OIC-SDS) Dr Arnie Ventura, nakaalis na umano si Dr. Bayubay noong nakaraang linggo, January 10, pabalik ng Maynila.
“Siya po ngayon ay nasa Maynila na. Sa kasalukuyan batay po sa pagkaalam ko siya po ay suspended for 90 days po at ako po yung pansamantalang magiging caretaker ng Schools Division of Palawan.”
Dagdag din ni PDRRMO at IATF Head Alili, negatibo naman ang naging resulta ng swab test ni suspended SDS Bayubay kaya’t pinahintulutan siyang makaalis ng lungsod.
“Negative po yung [swab test]. Hindi po natin siya papayagang lumabas kung positive yung kanyang [result]. Negative yung kaniyang swab test result.”
Base din sa Executive Order 2020-15 s.2020 ng Puerto Princesa City Mayor’s Office, kailangang sumailalim sa quarantine ang lahat ng mga pasaherong bumabiyahe papasok ng lungsod ng Puerto Princesa. Maaari namang maharap sa administrative o criminal charges ang sinumang lalabag dito.
Discussion about this post