Launching ng Parish Youth Ministry at hindi rally. Ito ang sagot ni Fr. Roderick Caabay sa naging pahayag ni Mayor Virginia De Vera ng Culion na magsasagawa sila ng kilos-protesta sa darating na Enero 30, 2021.
“Clarify ko lang po yan ah, ang amin pong ino-organize ay isang youth mass on January, 30-31, launching po ng aming parish youth ministry, kasi nga nakikita natin na we need to respond to the needs of the young. Kasi last year in Culion we have seen you know five (5) consecutive months yung ating mga anak ay nahahantong sa depression and almost every month this young people committed suicide. So we thought all the while by organizing the youth mass to help strengthen the spiritual life and the youth activities so they can have more friends, they can have meaningful activities and hopefully avoid incidents like that.” pahayag ni Father Roderick Caabay, Parish Priest ng Culion.
Dagdag pa ni Fr. Cabbay na hindi ito rally gaya ng tinutukoy kamakailan ni Mayor Virginia De Vera.
“Hindi po ito rally. Yung placards na sinasabi nila, we were supposedly planning a motorcade kasi launching nga, but we are canceling that in view nga of the health protocols. Pero this placards ay images of paintings ng mga bata na mga saints na mga models for the young. This isn’t a rally. This is a spiritual activity for the young people, to respond to their needs.”
Tugon naman ng Alkalde ng Culion na si Mayor Virginia De Vera hindi umano siya naniniwala na youth mass lamang ang gagawin na aktibidad ng simbahan.
“Ay hindi po, meron na po actually silang mga inilabas na mga invitation kung kani-kanino. Actually yung PNP po ay mayroon na rin at yung kapatid ko po na ABC President ay iniimbita po nila, mayroon na silang gagawin parada at may mga placards na dala-dala at mag iipon-ipon sila doon sa isang covered court.
Dagdag pa ng Alkalde na mariin niyang pinasisinungalingan ang pahayag ni Fr. Caabay at gumagawa lamang umano ito ng kuwento na tatanggalan niya ng scholarship ang mga kabataang pinapaaral ng munisipyo na naninilbihan sa simbahan at personal lamang umano niya itong opinyon gaya ng unang pahayag niya sa news team at ayaw niya umano na kalabanin ng mga kabataan ang gobyerno.
“Ang sa akin lang po doon, hindi ko po sinabi na ako po ay tatanggalin ko yung mga scholars ng munisipyo na nag se-serve sa simbahan. Ang galing niya po kasi gumawa ng kuwento, kasi pari siya eh hindi dapat siya nagsisinungaling at hindi siya dapat mahusay gumawa ng kuwento. Ang sinabi ko po ay yung mga bata na sasali diyan sa rally na yan ay aalisin ko sa scholarship kasi po nakikita ko yung mga bata iniikot nila lahat ng mga kabataan dito sa Culion at yung mga bata ay parang tinuturuan nila maging against sa Government at nagsimula po yan doon sa 3in1 na yan.”
Discussion about this post