Bataraza, Palawan – Isang wala ng buhay na saltwater crocodile ang nahuling palutang-lutang sa karagatang sakop ng Sitio Gunob sa Barangay Inogbong sa Bataraza, Palawan ngayong umaga, Hulyo 6.
Ang nasabing buwaya, na tinatayang may habang humigit-kumulang sa 14.9 ft, ay namataan ng ilang mga residente sa lugar at agad nilang ipinaalam sa lokal na pamahalaan at sa mga awtoridad na may kinalaman sa pangangalaga ng kalikasan.
Ang mga saltwater crocodile ay kilala sa kanilang laki at kapansin-pansing mga ngipin at pangil. Gayunpaman, hindi pa malinaw ang dahilan kung bakit natagpuan ang nasabing buwaya na wala ng buhay sa pampang ng Inogbong.
Discussion about this post