Magkakaloob ang Estados Unidos ng karagdagang tulong sa Philippine Coast Guard, bilang iniwang pangako ni US Vice President Kamala Harris sa naturang hanay.
Ang tulong na ipagkakaloob ng opisyal ng Estados Unidos ay bilang suporta sa mga karagdagang pasilidad ng Philippine Coast Guard, dulot na rin ng pagkilala ng Amerika sa serbisyo ng PCG lalo na sa pagbabantay sa teritoryo at karagatang sakop ng bansa.
Ayon kay US Vice President Kamala, layon nitong mapagbuti ang kapasidad ng mga ahensya ng gobyerno na lumalaban sa iligal na pangingisda sa malawak na katubigan ng Pilipinas.
Nakatakdang gamitin ang pondo para maitaas ang kalidad ng monitoring system at madagdagan ang mga equipo ng Philippine Coast Guard sa iba’t- ibang panig ng bansa.
Samantala, pinasalamatan ni Department of Transportation (DOTr) Undersecretary for Maritime Elmer Sarmiento ang Estados Unidos sa patuloy na pagbibigay ng mga pagsasanay para mapalawak ang kakayahan ng mga PCG personnel, partikular sa larangan ng maritime security, law enforcement, at maritime safety.
Matatandaang isa ang PCG sa nagbigay ng seguridad kay Harris sa pagtungo nito sa Palawan para makipagkita sa mga residente ng Puerto Princesa Port, Palawan, kahapun, ika-22 ng Nobyembre 22.
Sakay ang bise presidente ng BRP Teresa Magbanua (MRRV-9701) kasama si US Ambassador to the Philippines (U.S. Embassy in the Philippines) Marykay Carlson.
Discussion about this post