Tinawag na sinungaling ng Parish Priest ng Culion si Provincial Information Officer (PIO) Winston G. Arzaga kaugnay ng naging pahayag nito kamakailan sa usapin ng vote-buying. Hinamon kasi ni PIO Arzaga ang grupong One Palawan na kapag may nakitang vote-buying ay kumalap ng ebidensya at magsampa ng kaso.
Ayon sa Parish Priest ng Culion na si Rev. Father Roderick Yap Caabay, sinungaling si PIO Arzaga dahil alam naman umano nito na may nangyayaring vote-buying.
“Alam mo si PIO sinungaling yan. Unang-una bakit pa kami magka-kaso? Anong possibility para magkaso? That is the reality. It’s what we see everyday. That’s what the people tell us everyday. Hindi niya kailangan takpan ang kanyang mga mata sa mga nangyayari because they know what’s goin on. They know all of this vote-buying.”
Dagdag pa ni Rev. Father Caabay, nagpapalusot lang si PIO Arzaga kaugnay ng usapin sa vote-buying.
“People know. It’s an open book na talagang grabe ka rampant ngayon ang vote-buying. Wag sila magtago sa mga kaso-kaso, ligal-ligal, kasi it’s the reality. Palusot lang yan si Winston Arzaga. Hasang-hasa na sa kasinungalingang ginagawa niya sa sambayanan Pilipino.”
Para naman kay PIO Winston G. Arzaga, masyado na umano personal ang pahayag ng pari sa kanya.
“Wag siyang nagbi-bintang, pari siya eh. Sinasabi ko yun kasi ako wala akong personal knowledge diyan [vote-buying]. So yun ang sasabihin ko na kung kayo [One Palawan] ay may alam pumunta kayo doon sa Comelec. Father you are a priest. Maging example ka ng hindi nagbi-bintang wag ka yung nagbibintang, hindi ko nga nakikita [vote-buying] tapos sasabihin mo sinungaling ako?”
Dagdag pa ni PIO Arzaga, na gusto niya makita at makusap ng personal ang pari dahil masyado umano ito mainit sakanya.
“Relax lang Father, wag ka masyadong hot. Oh come on Father, be fair naman be true to yourself as a priest. Hindi yung bintang ka ng bintang, hindi na yan pari. Ano dapat gawin ng mga nakakita? Isumbong niyo wag kayong tatakbo sa Facebook. It’s about time siguro na yung mga NO tiyaka YES eh matutong maglagay ng boundaries sa mga sinasabi natin. I would like to meet Father Caabay.”
Discussion about this post