Iginiit ni Cynthia Sumagaysay Del Rosario ng Save Palawan Movement, na hindi akmang manatili sa puwesto si Palawan Schools Division Superintendent Natividad Bayubay. Hindi rin dapat nito pamunuan ang DepEd sa nalalapit na plebisito sa paghahati ng Palawan sa tatlong lalawigan.
“May pangangamba po kami sa Save Palawan Movement dahil ang DepEd ay kasama (sa pagsasagawa ng plebisito sa lalawigan), kung siya ay hiningian ng listahan ng mga guro na magsisilbi sa plebisito ng kapitolyo, so kami ay may pangamba na ‘pag sya ay hindi napalitan at sya pa rin ang uupo sa Marso kailangan namin ng malinis, fair at honest na plebisito,” Ani Del Rosario.
Binigyang diin ni Del Rosario na biased si Palawan DepEd Superintendent Bayubay matapos na magbigay ng suporta sa paghahati ng Palawan. Bagay na hinid akma sa isang opisyal gaya niya na malaki ang responsibilidad sa parating na plebesito.
“Kailangan ng tao neutral sa plebisito at yung kanyang stand noong sya ay tanungin ng media dati [noong] nakaraang taon kung ano ang stand nya sa paghahati [ng Palawan] ang sabi nya ok daw ang 3 in 1, yun ang sarili nyang pananaw na nadamay ang buong institusyon ng Deped na hindi naman makatwiran dahil marami namang mga guro ang hindi pabor sa paghahati,” pahayag nito.
Kaugnay nito, hiniling ng Save Palawan Movement sa Pamunuan ng DepEd na agarang ipatupad ang supensyon kay Bayubay upang hindi umano madungisan ang plebisito sa Marso 13, 2021.
“Yung aming apela sa DepEd Secretary kay Briones na sana yung kanyang preventive suspension e-implementa na kasi matagal kasi matagal na yun, nabalita na yun before sa ating bayan at yung kanilang mga rason, kesyo hindi pa na re-receive ay mababaw na excuse para hindi sila sumunod sa mga patakaran,” karagdagang pahayag ni Del Rosario.
Discussion about this post