Arestado sa isinagawang Warrant of Arrest Operation ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kahapon mga bandang 3:30 ng hapon, Disyembre 10, ang 2 suspek sa Bgy. Isumbo, Sofronio Española Palawan.
Ayon kay CIDG Police Executive Master Sergeant (PEMS) Henry Castroverde, napag-alaman na ang mga suspek ay sina Omar Risham Sabtal y Abubakar, 27 anyos at school staff, at si Wanhar Hanapi y Sabtal, 22 anyos, na parehong residente rin ng nabanggit na lugar.
“May hawak na po kaming…Warrant of Arrest. Ang impormasyon namin sa kanila [ay] nasa Bgy. Isumbo sa Bayan ng Española ang ating mga suspek kaya po agad-agad ay nagpadala tayo ng team para pumunta roon. At doon nga nahuli natin ito [mga indibidwal] na nasa Warrant of Arrest for Attempted Murder…,” pahayag ni PEMS Castroverde.
Napagalaman din na ang dalawang ito ang itinuturong suspek sa pamamaril sa sasakyan ng negosyanteng Vietnamese National sa Bgy. Burirao, Narra Palawan noong August 4, 2020.
Samantala kasalukuyang nasa kustodiya na ng CIDG Palawan ang mga suspek at mayroon na ring inirekomendang piyansa ang korte na naghahalaga na Php 120,000.00 bawat isa para sa kanilang pansamantalang kalayaan.
Discussion about this post