Wala umanong pangarap si suspended Narra Mayor Gerandy Danao na maging gobernador sa lalawigan ng Palawan o ng Palawan Del Sur kung sakaling matuloy ang plebisito at mahati na ang lalawigan sa tatlong probinsya.
Sa pahayag ni Jojo Gastanes, tagapagsalita ni Mayor Danao, inamin nito na napag-uusapan ang bagay na yan dahil sa maging sa social media ay may ilan na umuudyok sa alkalde na tumakbo sa mas mataas na posisyon.
“Nag-uusap kami ni Mayor Danao medyo natatawa lang sya kasi wala naman talaga sya pangarap na maging Gobernador… actually bigla lang syang tumakbo na mayor, nanalo sya,” ani Gastanes.
Pero nilinaw nito na hindi parin alam ang mga posibleng mangyari pagdating ng araw baka magbago ang kanyang desisyon.
“Pero hindi rin natin alam pagdating ng araw, kasi minsan may pagbabago-pero sa kanyang sarili ngayon wala syang plano,” pahayag ni Gastanes.
Samantala, sa ngayon ay nakatutok umano si Danao sa pagtulong sa mga taga-bayan ng Narra at sa mga kinakaharap nitong issue sa kanyang panunungkulan.
Discussion about this post