Maigting umano ang pagbabantay ng Western Command (WESCOM) sa 220 Chinese Maritime Milita (CMM) na namataan sa Julian Felipe Reef ng West Philippine Sea.
“Ang WESCOM po [is] continuously monitoring the situation. At continuously pine-preform ang kaniyang mission to protect our sovereign rights in the West Philippine Sea kaya patuloy po [na] may regular air patrol po and maritime sovereignty patrol po doon sa area.” Ayon kay PCOL. Stephen Penetrante, tagapagsalita ng Palawan Western Command.
Noong Sabado, Marso 20, 2021, ay naglabas ng pahayag ang Presidential Communications (Government of the Philippines) ukol sa presensya ng mga Chinese vessels na nabanggit. Ang National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS) ay nakatanggap umano ng kumpirmadong report mula sa Philippine Coast Guard (PCG) noong Marso 7 na mayroong mga Chinese Fishing Vessel na pinaniniwalaang pinamamahalaan ng mga Chinese maritime militia personnel.
Ang mag vessels na ito ay sinasabing naka angkla nang nakapahilera sa hilagang kanluran ng Pagkakaisa Banks at ng Union Reefs bandang 175 Nautical Miles sa kanluran ng Bataraza, Palawan.
Dagdag pa ni Penetrante, wala pa rin umanong ipinapakitang aktibidad tulad ng pangingisda sa nabanggit na lugar matapos maglabas ng pahayag ang NTF-WPS kaya’t patuloy lang itong binabantayan ng Pamahalaang Nasyunal.
“‘Yun po ang alituntunin at gawain na ibinigay sa atin ng katas-taasan na namumuno. So, ‘yun po ‘yung gagawin ng Wescom – to continuously monitor the situation and to accomplish its mission to protect our sovereign rights in the West Philippine Sea.”
Aniya walang nakikita ang kanilang tanggapan na ibang aktibidad tulad ng mga naiulat na katulad ng CMM sa lalawigan ng Palawan. At wala rin umanong mga lokal na mangingisdang makikita sa paligid o malapit dito o mga nagrereklamo dahil nakakaabala ito sa kanilang hanap-buhay.
“As of today po, wala naman po. ‘Yan lamang po ang mino-monitor natin na situation sa West Philippine Sea. As of the moment po, wala po kaming nakikitang nangingisdang Pilipino sa areang ‘yan. Wala pong report na ganiyan, isyung ganiyan at wala namang nare-receive tayong reklamong ganiyan.”
Sa inilabas naman na pahayag ni Secretary of National Defense Delfin Lorenzana kahapon, Marso 21, nababahala umano ang kanilang tanggapan dahil ito ay “…clear provocative action of militarizing the area.”
Iginiit din nito na akop ng Philippine Exclusive Economic Zone (EEZ) and Continental Shelf (CS) ang kinalulugaran ng mga CMM na kung saan ay may karapatan ang mga Pilipino sa mga resources na matatagpuan dito sa ilalim ng International Law at ng 2016 Arbitral Ruling. Kaya’t nananawagan ito sa mga Chinese na ipabalik ang mga barkong ito na lumalabag sa maritime rights ng Pilipinas
Kasalukuyan pa rin patuloy ang pagsasagawa ng monitoring ang WESCOM at nakikipag-ugnayan din ang National Defense sa PCG, NTF-WPS at ng Department of Foreign Affairs para sa karampatang aksyon upang protektahan ang mga Pilipinong mangingisda, marine resources at mapanatili ang kapayapaan sa West Philippine Sea.
Discussion about this post