Nakapagtanim ang mga volunteers ng walong daan (800) propagules ng mangrove sa isinagawang Mangrove Planting Activity sa Barangay Salvacion, Roxas, Palawan noong ika-21 ng Setyembre.
Kasama sa aktibidad ang mga volunteers mula sa 2nd Palawan PMFC na pinangunahan ni Police Staff Sergeant Jordan C. Nunez, ang Team Leader ng LGU-Roxas sa pamumuno ni Hon. Mayor Dennis M. Sabando, ang Philippine Coast Guard-Roxas, at mga residente ng nasabing barangay. Ipinangunahan din ito ng mga kawani ng Lokal na Pamahalaang Barangay ng Salvacion sa ilalim ng pamumuno ni Barangay Captain Alonzo D. Gabinete.
Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng pagdiriwang ng 67th Founding Anniversary ng Barangay at 14th Baybayen Festival na may tatlong araw na programa.
Discussion about this post