Dalawampung mag-aaral ng Perform Pedicure and Manicure leading to Beauty Care NCII ang nagtapos kamakailan sa Bgy. San Manuel, lungsod ng Puerto Princesa.
Sila ang pangalawang batch ng Pedicure & Manicure na nagtaposngayongtaon sa ilalim ng Special Training for Employment Program o STEP ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na sya ring pinondohan ni Kabarangay Cong. Gil P. Acosta.
Samu’t-saring emosyon ang namayani sa mga nagsipagtapos na nagkasama sa mahigit isang buwang training sa pangunguna ng administrator ng Southern Palawan College Inc. (SPCI) Brooke’s Pt. Palawan na si Ms. Elsie Laceste at ng TESDA.
Naging emosyonal naman ang mensahe ng pinaabot ni ginang Nonevar Vargas, isa sa mga nagsipagtapos.
Ayon sa kanya, “Nagpapasalamat ako sa walang sawang pagtuturo sa pagkukutkot ng kuko, nag papapasalamat po ako sa bumubuo ng training na to, kay Congressman Gil P. Acosta ako po ay taus-pusong nagpapasalamat sa kanya sana ‘di po siya magsawang magbigay ng iba pang training.”
Ayon pa sakanya, hindi lamang sya manikurista ngayon kundi isa rin syang vulcanizer sa kanyang vulcanizing shop.
Dumalo sa seremonya ng pagtatapos Sir Renato Pantaleon ang Provincial Director ng TESDA at sina Anabel Lagrada at Eugene Tabang mula sa opisina ni Kabaranggay Acosta.
Lubos naman ang pasasalamat ni Ms. Shiela May Cabainza, isa sa mga nagsipagtapos, “nagpapasalamat po ako sa programa na ipinagkalob sa amin ni Kabarangay Gil P. Acosta na kabilang kami sa mga nakagraduate sa araw na ito. Pinagkaloob nya na kami po ay magkaroon ng maayos at malinis na hanapbuhay katuwang ang aming mga asawa at binigyan kami ng pagkakataon na magkaroon ng certificate at matuto ng tamang paglilinis.”
Pawang mga ilaw ng tahanan ang mga nagsipagtapos na nagsisikap magkaroon ng mapagkakakitaan upang makatulong sa asawa at pamilya sa pamamagitan ng paglilinis ng kuko.
Bukod sa sertipiko ay pinagkalooban din sila ng tool kit at allowances na iginawad ng TESDA.
Discussion about this post