Idineport na sa China ang 301 Chinese nationals ngayong November 5, sakay ng dalawang chartered flights mula sa Puerto Princesa International Airport.
Kabilang dito ang nasa 294 na Chinese at pitong mga menor de edad.
“Upon determination of their age, they were ordered released. Custody has been turned over to the Chinese Embassy, and they have also flown out today, bringing up the total number to 301,” pahayag ni Fortunato Manahan, Chief ng Intelligence Division ng Bureau of Immigration.
Sinabi pa ni Manahan, na nahuli ang mga banyaga dahil sa kawalan ng permit at visa habang nasa bansa.
Kinansela rin umano ng Chinese goverment ang kanilang mga passports kaya sila ay naging undocumented aliens.
Samantala, sinabi naman ni Dana Sandoval, tagapagsalita ng BI sa bansa na maliban sa 301 ay may 17 Chinese nationals na dadalhin naman sa Manila dahil inaayos pa ang kanilang deportation order habang ang 11 kasama na ang principal na si Tony Sy ay mananatili pa sa bansa dahil sa kanilang mga pending cases.
Tiniyak niya rin na kahit makapagpiyansa ang mga ito sa kanilang kaso ay hindi ito makakalaya dahil sa deportation charge sa kanila kaya mananatili pa rin ang mga ito sa BI facility.
Ayon naman kay Bureau of Immigration Commissioner Jaime Morente, ang mga Tsinong pinabalik sa kanilang bansa ay bahagi ng 329 na nahuli ng BI Intelligence agents kasama ang mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines Western Command noong September 16,2019 sa walong hotels sa Puerto Princesa City dahil sa cyber fraud activities.
Iginiit niya muli ang kaniyang babala laban sa mga illegal aliens na nagtatago sa bansa.
“We are targeting big companies who so blatantly disregard our laws by hiring improperly documented foreign nationals,” said . “We welcome you to our country to do business as long as you comply with our laws. If you fail to follow, we will deport you,” babala ni Morente.
Discussion about this post