Nahuli na ng Narra MPS ang isang wanted person sa kanilang nasasakupang lugar na may kasong Homicide.
Kinilala ang naarestong indibidwal na si Rosalinda Moral Barrera, 62 anyos, biyuda, vulcanizing shop owner, at residente ng nasabing lugar.
Isinagawa ang pag-aresto sa suspek dakong 3 pm kamakalawa ng mga personnel ng Narra MPS, kasama ang mga tauhan ng Provincial Investigation and Detective Management Unit (PIDMU) sa bisa ng warrant of arrest na ibinaba ni Judge Paz Soledad B. Rodriguez-Cayetano ng Regional Trial Court Branch 49 na may petsang Hulyo 14, 2020.
Inirekomenda naman ng korte ang P120,000 para sa pansamantala niyang kalayaan.
Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya na ng Narra MPS ang naturang suspek at nakatakdang ipresenta sa korte para sa tamang disposisyon.
Discussion about this post