Patay ang binata matapos bumangga ang sinasakyang motor nito sa malaking bato sa National Highway, Purok Pag-asa, Barangay IV, Roxas, Palawan ganap na 11:20 kagabi ika-29 ng Mayo.
Batay sa report ng Palawan Provincial Police Office, kinilala ito na si Raymond Saz Tirol, 24 anyos, binata, residente sa nasabing Barangay.
Sa imbestigasyon ng pulisya, galing north papuntang south ang motorista na nawalan ng kontrol sa pagmamaneho at bumangga sa malaking bato at tumalsik ito papuntang bangin.
Nagtamo ng tama sa ulo at leeg ang motorista na naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.
Samantala, patuloy parin ang imbestigasyon ng awtoridad sa aksidente.
Discussion about this post