Arestado ang dalawang lalaki na “most wanted persons” na may warrant of arrest sa magkahiwalay na munisipyo sa lalawigan ng Palawan.
Kinilala ang unang suspek na nadakip na si Virgel Cabudac Albaña, 18 anyos, isang construction worker at residente sa Barangay Decalachao, Coron, Palawan na may kasong paglabag ng Republic Act 7610 o kilala bilang Anti Child Abuse Law.
Ang kaso ni Albaña ay may inilaang piyansa ang korte na halagang P200,000.
Ang suspek ay naaresto ng Coron Municipal Police Station nitong Agosto 31 sa Barangay Guadalupe at tinaguriang most wanted person at Rank 9 sa Bayan ng Coron Palawan.
Sa kabilang panig, isa pang suspek ang inaresto sa Barangay Pandanan, Balabac Palawan nitong Setyembre 1.
Kinilala ang suspek na si Arnel Damog Rabaha, 23 anyos, isang mangingisda at residente ng Sitio Sangcab, Barangay Bancalaan.
Naaresto si Rabaha ng Balabac Municipal Police Station officers sa kasong paglabag ng Republic Act 8353 o Anti-Rape Law, at walang nakalayaang piyansa sa kasong ito.
Discussion about this post