Nagtipon-tipon ang nasa 5,531 na delegado (athletes, coaches, delegation officials, trainers, chaperons) mula sa 22 munisipalidad ng Palawan sa bayan ng Narra noong ika-4 ng Nobyembre 2018 hanggang 9 para sa taunang Palarong Panlalawigan.
Tema sa paligsahan na inorganisa ng Dep-Ed Division of Palawan ang “Converges Youth Power, Builds Sustainable Future.” Kalahok dito ang bayan ng Aborlan, Agutaya, Araceli, Balabac, Bataraza, Brooke’s Point, Busuanga, Cagayancillo, Coron, Culion, Cuyo, Dumaran, El Nido, Linapacan, Magsaysay, Narra, Quezon, Rizal, Roxas, San Vicente, Sofronio Espanola at Taytay.
Labin-siyam na mga laro ang pag-aagawan ng mga atleta sa limang araw na paligsahan. Inaabangan ang kuponan ng Narra dahil ito ang malakas sa nakaraang mga taon. Dito sa provincial sports meet kinukuha ang mga pambato ng Palawan sa Regional Sports Meet.
Discussion about this post