Kinilala ang biktima na si Erwin An, nasa hustong gulang habang suspek naman sa krimen ang isang glass and aluminum installer na kinilalang si Mark Cabrera Casayas, 37 anyos at residente ng Barangay 1 sa Coron, Palawan.
Sa kopya ng police report mula kay Police Major Thirz Starky Timbancaya, ang hepe ng Coron PNP, lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na bandang alas sais ng gabi noong Sabado ay humingi ng tulong sa mga pulis ang isang William Buensuceso kaugnay sa nangyaring pananaga.
Agad rumesponde ang mga pulis at inabutan ang wala nang buhay na biktima. Sa follow up operation, agad din namang naaresto ang suspek at na-recover mula dito ang isang itak na ginamit sa krimen.
Sa kasalukuyan ay patuloy parin ang imbestigasyon sa kaso upang matukoy ang motibo sa pananaga habang inihahanda na ang kasong isasampa laban kay Casayas.















Discussion about this post