Pormal nang binuksan sa publiko ang bagong Roxas Medicare Hospital.
Matatagpuan ang nasabing ospital sa Bgy. Barbacan, bayan ng Roxas.
Ang ospital na ito ang ika-apat na ospital na binuksan ngayong 2018. Nauna dito ang Aborlan Medicare Hospital sa bayan ng Aborlan, Narra Municipal Hospital sa Bayan ng Narra at Southern Palawan Provincial Hospital sa Brooke’s Point.
Tulad ng mga nauna nang binuksang mga ospital sa Palawan ang Roxas Medicare Hospital ay pinondohan ng Department of Health (DOH) ng mahigit P144 Milyon. Mayroon itong 70-bed capacity at iba’t-ibang pasilidad para sa pangangailangan ng mga pasyente.
Naisakatuparan naman ang pagtatayo ng nasabing ospital sa pamamahala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan.
Ngayong buwan din nakatakdang buksan ang Rizal Municipal Hospital sa bayan ng Rizal, Palawan. Sampung ospital pa ang kasalukuyang sumasailalim sa konstruksiyon ayon sa pamahalaang panlalawigan.
Sa pagbubukas ng nasabing ospital ay makikinabang din dito ang mga karatig bayan nito tulad ng Taytay, San Vicente, El Nido, Dumaran at Araceli. (OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan)
Discussion about this post