Patuloy sa pagsipa ang kaso ng dengue sa Lalawigan ng Palawan.
Sa pinakahuling tala ng Department of Health-Center for Health (DOH CHD) MIMAROPA noong Abril 25, 2021, mayroon nang 268 reported cases ng dengue sa probinsiya kung saan, pinakamarami sa Lungsod ng Puerto Princesa na mayroong 67 kaso.
Sa mga munisipyo naman ay pasok sa Top 5 ang Aborlan na mayroong 43 kaso ng dengue, Quezon na may 29 kaso, Roxas-27, Taytay-26 at Narra-25.
Narito ang bilang ng dengue cases iba pang munisipyo sa Palawan:
Bataraza-16
Brooke’s Point-9
Sofronio Española-9
Dr. Jose Rizal-5
Dumaran-5
San Vicente-4
Araceli-1
El Nido-1
Sa ngayon naman ay wala pang naitatalang kaso sa natitirang 10 bayan sa Lalawigan ng Palawan.
Samantala, sa kabuuan ay mayroong 421 dengue case sa MIMAROPA Region.
Discussion about this post