Wednesday, January 20, 2021
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • All
    • Puerto Princesa City
    Paglalagay ng mga ilaw sa Acacia sa Puerto Princesa South Road

    Paglalagay ng LED lights sa Acacia Tunnel maaaring makaapekto sa mga puno at buhay-ilang – PCSD

    New Market, Puerto Princesa City

    Mga pinaalis na manininda sa New Market hinikayat na lumipat sa Brgy. Irawan

    Puerto Princesa City Government, pinag-aaralan ang magiging hakbang sa mataas na presyo ng karne sa palengke

    Puerto Princesa City Government, pinag-aaralan ang magiging hakbang sa mataas na presyo ng karne sa palengke

    20 pesos na minimum na pamasahe, sinasamantala ng mga tricycle driver sa Puerto Princesa– Lusoc

    Mga nakahiliring tricycile sa Palengke

    Panukalang pagbabalik ng dating pasahe sa traysikel, ikinatuwa ng mga commuter, driver

    Bantay Dagat instensifies shellfish ban due to presence of Red Tide in Puerto Princesa City

    Ilang Barangay sa Puerto Princesa, hirap sa pagpapatupad ng road clearing

    Suplay ng karneng baboy, manok, pahirapan sa ngayon

    11 na empleyado ng Prov’l Deped, isinailalim sa quarantine

    Trending Tags

      • City
      • Provincial
      • National
      • Regional
    • Advertise
    • Online Radio
    • Opinion
    • Business
    • Lifestyle
    • About the PDN
      • Contact Us
    No Result
    View All Result
    Palawan Daily News
    • Home
    • Latest News
      • All
      • Puerto Princesa City
      Paglalagay ng mga ilaw sa Acacia sa Puerto Princesa South Road

      Paglalagay ng LED lights sa Acacia Tunnel maaaring makaapekto sa mga puno at buhay-ilang – PCSD

      New Market, Puerto Princesa City

      Mga pinaalis na manininda sa New Market hinikayat na lumipat sa Brgy. Irawan

      Puerto Princesa City Government, pinag-aaralan ang magiging hakbang sa mataas na presyo ng karne sa palengke

      Puerto Princesa City Government, pinag-aaralan ang magiging hakbang sa mataas na presyo ng karne sa palengke

      20 pesos na minimum na pamasahe, sinasamantala ng mga tricycle driver sa Puerto Princesa– Lusoc

      Mga nakahiliring tricycile sa Palengke

      Panukalang pagbabalik ng dating pasahe sa traysikel, ikinatuwa ng mga commuter, driver

      Bantay Dagat instensifies shellfish ban due to presence of Red Tide in Puerto Princesa City

      Ilang Barangay sa Puerto Princesa, hirap sa pagpapatupad ng road clearing

      Suplay ng karneng baboy, manok, pahirapan sa ngayon

      11 na empleyado ng Prov’l Deped, isinailalim sa quarantine

      Trending Tags

        • City
        • Provincial
        • National
        • Regional
      • Advertise
      • Online Radio
      • Opinion
      • Business
      • Lifestyle
      • About the PDN
        • Contact Us
      No Result
      View All Result
      Palawan Daily News
      No Result
      View All Result
      Home Uncategorized

      Self-learning Modules ng DepEd-MIMAROPA, 98.46% na ang ‘ready for distribution’

      Diana Ross Medrina Cetenta by Diana Ross Medrina Cetenta
      September 26, 2020
      in Uncategorized
      Reading Time: 3min read
      88 1
      A A
      0
      Share on FacebookShare on Twitter
      Print Friendly, PDF & Email

      Halos 100% na umanong handa nang i-deliver sa iba’t ibang dibisyon ng Department of Education (DepEd)-MIMAROPA ang mga naimprinta ng Self-learning Modules (SLMs) para sa pasukan sa Oktubre 5.

      Ito ang kinumpirma ng tagapagsalita ng DepEd- MIMAROPA na si Sherelyn Laquindanum sa PIA Mimaropa Virtual Presser kahapon, Setyembre 25.

      RelatedPosts

      Modules ng mga estudyante, hindi basehan ng grado – DepEd

      Mga ‘accomplishment’ ng ilan sa mga lider ng Palawan, tunghayan

      BM Maminta pinasaringan ang mga kumokontra sa 3n1 Palawan

      Sa presentasyon ni Laquindanum, sa 9,378,906 na printed SLMs para sa first quarter, nasa 9,235,238 na o katumbas sa 98.46 percent ang “ready for distribution” na nagsimula rin kahapon at tatagal hanggang sa Oktubre 4.

      Aniya, ang nasabing modules ay mayroong 1:1 ratio o isang kopya sa bawat mag-aaral.

      Mas pinili umano ng MIMAROPA Region na modular ang pinakagagamitin sa pagpapatuloy ng klase sa ilalim ng new normal dahil sa COVID-19 pandemic at supplemental naman ang TV at radio-based programs ng ilang paaralan sa rehiyon.

      Malugod ding ipinabatid ng tagapagsalita ng Kagawaran na bago ang pormal na pagbubukas ng klase ay nakapagsanay na sila ng 27,472 mga guro at 477,122 mga magulang para sa Distance Learning Modalities, maliban pa aniya sa pagsasagawa pa ng seminar ng mga eskwelahan sa 4,133 magulang.

      Para sa bagong istilo ng pagtuturo, nakapagsagawa na rin umano ang 2467 mga paaralan ng dry-run hanggang noong Setyembre 19 at 366 naman mula noong Setyembre 14 hanggang sa Oktubre 5.

      Ipinaliwanag din ni Laquindanum na ang SLMs na ginagamit ngayon ng DepEd sa buong bansa ay dalawang set na kung saan ang una ay mula sa central office habang ang isa ay localized o ginawa ng mga guro sa kada dibisyon sa lalawigan o siyudad.

      Aniya, ang main modules na mula sa central office na gagamitin ng mga paaralan sa buong bansa ay nakabase sa “most essential learning competencies” habang ang  localized naman ay magsisilbing supplemental modules para sa mga lesson na nakalagay sa standard modules.

      Sa kabuuan, mayroong 2,418 pampublikong eskwelahan sa MIMAROPA ang gagamit ng printed modules, na kung saan kabilang na ang 101 paaralan sa Division of Puerto Princesa City at 865 sa Division of Palawan.

      Dagdag pa ni Laquindanum, may supplemental modality din gaya ng television-based instruction (TBI) at radio-based instruction (RBI). Nasa 48 paaralan naman sa Division of Romblon ang magkakaroon ng TV-based instructions, isang RBI sa Division of Oriental Mindoro at 102 RBI naman sa Division of Palawan.

      Ayon pa sa opisyal, dahil nasa procurement process pa lamang ang mga pledge na tablet ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan, sa pasukan ay printed SLMs muna ang gagamitin ng mga senior high school      at lilipat naman sila sa digital SLMs kapag dumating na ang nasabing mga gadget habang ang mga paaralan namang kasama sa RBI ay gagamit ng Modular Distance Learning bilang main modality at support modality ang radyo.

      Ang mga munisipyo naman sa Palawan na gagamit ng radyo para sa pagtuturo ay ang Aborlan, Bataraza at Coron.

      “Ang radio-based instruction will be supplemental modality, the main modality will be the printed module talaga,” saad pa ng spokesperson ng DepEd-MIMAROPA.

      Sa kasalukuyan ay hindi pa umano batid kung kailan magiging operational ang nasabing mga radio station sapagkat kailangan pa nilang kumuha ng permit sa pagpapatayo nito na dahilan naman upang pansamantalang magpi-printed modules muna ang mga mag-aaral.

      “Ang problema nila ay hindi sila makapagtayo ng radio stations because, nire-require sila ng permit from DPWH. So, sumulat na sila sa NTC-MIMAROPA, ini-refer sila ngayon sa NTC central office for their concern. Inaayos ko…kung paano  pwede sila matutulungan kasi very willing naman talaga ‘yong magfi-finance ng radio stations, ‘yon lang ang problema ay permit,”   ani Laquindanum.

      Aniya, hindi na rin bago sa lalawigan ang radio-based instruction dahil ginagamit na rin ito sa ALS kaya hindi na sila mahihirapan pa sa pagpapatupad nito.

      “Yong mga radio-based, ‘yong mga transistor radio. Alam mo naman ang Palawan, maraming mga unreached areas na wala talagang signal, mahirap talagang ma-reach na areas. So, ‘yong radio-based instruction ang pinakamabilis at efficient na kanilang magagamit, lalo na ‘yong mga nasa isla, ‘yong mga nasa bundok kaya mass preferred nila ang radio-based instruction. Pero ‘yon nga, may challenge ngayon, hindi pa ‘yon magagawa sa ngayon, so magmo-modular muna sila,” dagdag pa niya.

      Samantala, ang Learning Continuity Plan ng DepEd-MIMAROPA ay nakabase sa MIMAROPA ‘LIVES’ Framework. Sinasalamin ng acronym na  “LIVES”  ang “Learners and Employees health: Top Priority,” “Internal & External Partners are Actively Engaged,”  “Varied Learning Modalities Available,” “Empowered Teachers and Staff with KSAVs,” at “Safe Learning Continuity in Place.”

      Tags: DepEd-MIMAROPASelf-Learning Module
      Share70Tweet44Share17
      Diana Ross Medrina Cetenta

      Diana Ross Medrina Cetenta

      Related Posts

      Department of Education
      Uncategorized

      Modules ng mga estudyante, hindi basehan ng grado – DepEd

      January 18, 2021
      Government

      Mga ‘accomplishment’ ng ilan sa mga lider ng Palawan, tunghayan

      January 3, 2021
      Provincial News

      BM Maminta pinasaringan ang mga kumokontra sa 3n1 Palawan

      December 21, 2020
      City News

      City Council nais ipasilip sa BIR ang mga produktong petrolyo sa PPC

      December 15, 2020
      Uncategorized

      City ENRO: Manufacturing companies should take responsibility for plastic wastes

      October 19, 2020
      Column

      [OPINION] There is no such thing as waste, only wasted resources

      October 14, 2020

      Latest News

      Miss Palawan 2021 to crown three Queens this Feb 27

      January 20, 2021
      P42M Training Center in the mining community in Rio Tuba, Bataraza, Palawan.

      P42M training center in Bataraza to boost jobs creation

      January 20, 2021

      PNP, may 3 Persons of interest sa nangyaring robbery hold-up sa Taytay

      January 20, 2021
      75th REGULAR SESSION

      Pamasahe at Social Distancing sa mga pampublikong sasakyan sa Palawan, iimbestigahan ng Sangguniang Panlalawigan

      January 20, 2021
      Palaweño rapper ‘Respi’ wants to Praise God thru Rap songs

      Palaweño rapper ‘Respi’ wants to Praise God thru Rap songs

      January 20, 2021

      POPULAR NEWS

      • Members of Tawid Cultural Performing Group, popularly known as the Igorot Hunks, plant tree seedlings at the bank of a stream at Yamang Bukid Farm-Palawan in Brgy. Bacungan, Puerto Princesa City, Sept. 29. Photos by Aris Leoven

        Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

        12964 shares
        Share 5186 Tweet 3241
      • Aktres na si Maja Salvador, sa Puerto Princesa inabutan ng quarantine

        9769 shares
        Share 3908 Tweet 2442
      • Palawan ranks 2nd for 2020 Hottest Destination in the world

        8779 shares
        Share 3511 Tweet 2195
      • JCA to Danao: Hindi ka na-elect para magbuhat ng bigas

        5753 shares
        Share 2301 Tweet 1438
      • DOH-CHD considers untested dead PUI to be COVID positive

        5032 shares
        Share 2013 Tweet 1258
      Palawan Daily News

      © 2020 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing

      Navigate Site

      • Home
      • Latest News
      • Advertise
      • Online Radio
      • Opinion
      • Business
      • Lifestyle
      • About the PDN

      Follow Us

      No Result
      View All Result
      • Home
      • Latest News
        • City
        • Provincial
        • National
        • Regional
      • Advertise
      • Online Radio
      • Opinion
      • Business
      • Lifestyle
      • About the PDN
        • Contact Us

      © 2020 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing

      Welcome Back!

      Login to your account below

      Forgotten Password?

      Create New Account!

      Fill the forms below to register

      All fields are required. Log In

      Retrieve your password

      Please enter your username or email address to reset your password.

      Log In

      Add New Playlist