Naglabas ng Thunderstorm Advisory No. 11 ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) PPC ukol sa inaasahang pag-ulan na may kasamang pagkulog, pagkidlat, at malalakas na hangin sa ilang bahagi ng Palawan, ganap na 12:20 ngayong tanghali, Hulyo 2.
Ayon sa ulat, makararanas ng katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan ang bayan ng Aborlan sa loob ng susunod na isa hanggang dalawang oras.
Sa kasalukuyan, nararanasan na ang nasabing kondisyon ng panahon sa bayan ng Narra at Quezon, at inaasahang magpapatuloy ito sa loob ng isa hanggang dalawang oras pa. Posible rin itongmakaapekto sa iba pang karatig na lugar.
Pinapayuhan naman ang lahat na maging mapagmatyag at mag-ingat laban sa posibleng epekto ng masamang panahon gaya ng flash flood at landslide.
Hinihikayat rin na patuloy na subaybayan ang mga susunod na update mula sa mga awtoridad.














