SAN VICENTE, PALAWAN — Timbog sa ikinasang anti-illegal drugs buy-bust operation ng San Vicente Municipal Police Station ang isang bangkero sa Purok Pagkakaisa, Barangay Port Barton, San Vicente, kamakalawa, July 9.
Kinilala ang suspek si Francis Baculo, 35 anyos, at residente ng Barangay Pagasa sa nasabing bayan.
Nakuha sa kanyang pangangalaga ang dalawang plastic sachets na naglalaman ng ilegal na droga at buy-bust money na P1,500.
Samantala, mahaharap sa kasong paglabag ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act ang suspek.
Discussion about this post