Naging matagumpay ang naging halalan ng mga opisyales ng bagong buong Provincial Capitol Press Club na ginanap nitong ika-24 ng Setyembre, 2019 sa Kinabuch Grill and Restaurant, Puerto Princesa City .
Ang mga sumusunod ay ang mga nahalal na opisyal ng Provincial Capitol Press Club (PCPC):
President: Geraldford Ticke – Palawan Times
Vice President: Catherine Austria – DZIP Radyo Palaweño
Secretary: Clea Faye Cahayag – Repetek, Ang Dyaro ng Pilipino
Treasurer: Diana Almodal-Andres – Bandera News Philippines
Auditor: Ruth Rodriguez – GMA News TV
Project Managers:
Damian Lacasa, Jr. – Radyo Pilipinas
McArthur Asutilla – Sinag Palawan
PRO:
Mike Escote – Palawan Daily News
Jerald Gales – Bandera News Philippines
Nabuo ang PCPC sa inisyatibo na rin ni Provincial Information Officer Winston G. Arzaga.
Ayon kay Arzaga, layunin nito na mas mapaigting pa ang pagbibigay ng tamang impormasyon sa mga mamamayan sa pamamagitan ng maayos at magandang samahan ng mga mamamahayag, mga lokal na opisyales at mga namumuno ng iba’t-ibang departamento ng Pamahalaang Panlalawigan.
Nagpasalamat siya sa suportang ibinibigay ng mga mamamahayag sa pagpapalaganap ng wastong impormasyon sa mamamayan ng lalawigan kaugnay ng mga programa at proyektong ipinatutupad ng Pamahalaang Panlalawigan.
Discussion about this post