290 Locally Stranded Individuals Authorized Persons Outside Residence at Returning Overseas Filipino ang dumating at nakauwi na sa lungsod at lalawigan kahapon June 23 lulan ng barko ng 2GO Travel mula sa Maynila.
Ito ay kinabibilangan ng 185 lsis, 104 apors at isang ROF kung saan karamihan ay mga residente ng iba’t ibang munisipyo sa Palawan habang ang mga dumating namang apors ay mga kaanib ng Philippine Marines na agad inihatid sa kanilang quarantine facility sa bayan ng Sofronio Española at Barangay Macarascas dito sa lungsod.
Tanging ang lsis mula sa bayan ng Araceli na lamang ang naiwan sa lungsod dahil bukas pa sila nakatakdang sunduin at pansamanatala munang magpapalipas ng magdamag sa quarantine facility ng pamahalaang panlalawigan.
Ayon kay Cruzalde Ablaña, ang Palawan Incident Management Team Head, negatibo ang resulta ng lahat ng dumating ngayong araw sa isinagawang Rapid Diagnostic Test o RDT.
Samantala, noong June 22, ay una nang dumating ang nasa pitumpung indibidwal na kinabibilangan ng 64 lsis, 5 apors at isang ROF na mula rin sa Maynila lulan ng eroplano ng Cebu Pacific.
Sinabi ni Ablaña na negatibo rin ang resulta ng RDT ng mga nabanggit na Palaweñong nakauwi na sa probinsya.
Samantala, dumating naman kahapon ng hapon, June 22, 2020 ang nasa pitumpung (70) mga indibidwal na kinabibilangan ng 64 lsis, 5 APOR at 1 ROF mula pa rin sa Kamaynilaan lulan ng eroplano ng Cebu Pacific. Negatibo rin umano ang mga ito sa isinagawang Rapid Diagnostic Test at nasundo na rin ng kani-kanilang mga LGU.
Discussion about this post