Kasama na ngayon ang Bayan ng Roxas sa mga munisipyo sa hilagang Palawan na mayroon ng kasong Coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa post ng lokal na pamahalaan ng Roxas sa kanilang social media page na “Bayan ng Roxas” ngayong araw, kinumpirma ni Municipal Health Officer, Dr. Leo Salvino na “mayroon ng dalawang positibo sa COVID-19” sa kanilang lugar.
“Ang dalawa na parehong Locally Stranded Individuals (LSI) ay 24 years old na babae at 31 years old na lalaki,” ang nakasaad pa sa post ng LGU Roxas.
Samantala, maliban sa Roxas, ang mga munisipyo sa norte ng lalawigan na naunang nakapagtala ng COVID-19 cases ay ang Busuanga, Cuyo, Coron at Taytay.
Discussion about this post