Lubos umanong ikinalungkot ng Save Palawan Movement (SPM)-One Palawan Campaign ang pagbasura ng Kataas-taasang Hukuman sa inihain nilang mga petisyon para pigilan ang paghahati ng Palawan at maisama ang Lungsod ng Puerto Princesa.
Ito ang laman ng press statement na inilabas ng grupo ngayong araw, bagamat hindi pa umano nila personal na natatanggap ang kopya ng desisyon.
Sa kabila ng naganap, nanindigan ang mga petisyoner na hindi pa tapos ang laban.
“The petitioners will file a Motion for Reconsideration to attempt to convince the Supreme Court that there are important issues that, with due respect, has not been addressed by the high court,” batay pa sa kanilang pahayag.
Naniniwala umano ang mga sumusuporta ng One Palawan Campaign na may pag-asa pa silang mabasura ang RA 11259 sa pamamagitan ng plebisito.
“We filed a manifestation and motion and also there are still intervenors who filed a motion for intervention, and, sadly, these efforts have not been considered as of now,” ayon pa sa statement ng grupo.
Giit nila, hindi pa rito nagtatapos ang laban at hamon man sa kanila ang komunikasyon ngunit mananatili silang lalaban.
Discussion about this post