Pagkakalooban ng Iwahig Prison and Penal Farm ang mga Persons Deprive of Liberty (PDL) na pawang mga PWD na at Senior Citizen ng mga libreng equipments.
Ayun kay Superintendent Raul P. Levita ng Iwahig Prison halos 1% ng kanilang pondo ay nakalaan para sa mga PWD at senior citizen sa kanilang kolonya upang mapunan ang mga pangangailangan ng mga ito dahil sila ang madaling tamaan ng mga karamdaman.
Dagdag pa nito nung nagdaang Hulyo lamang sina Corrections Technical Officer 4 Alberto Jopida, Chairperson, Senior Citizen at PWD Committee-IPPF ay tinanggap ang 13 wheelchairs, 25 adult walkers, 28 quad cane, 8 stretcher at 8 crutches.
Samantala ang mga naturang gamit ay ipapamahagi sa mga kanikanilang bisor mula sa 4 na sub colonies ito ang Inagawan, Sta. Lucia, Montible at maging ang Iwahig Prison.
Discussion about this post