ADVERTISEMENT
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
No Result
View All Result
Home City News

Kapitan ng San Manuel, inireklamo ng mga elected officials ng Purok Pag-asa

Diana Ross Medrina Cetenta by Diana Ross Medrina Cetenta
October 20, 2020
in City News
Reading Time: 4 mins read
A A
0
Kapitan ng San Manuel, inireklamo ng mga elected officials ng Purok Pag-asa
Share on FacebookShare on Twitter
Print Friendly, PDF & Email

Sa pamamagitan ng isang liham ay dumulog sa City Council ang mga elected officer ng Purok Pag-asa, Brgy. San Manuel at naglahad ng kanilang hinaing laban sa kanilang punong barangay na hindi umano kumikilala sa paghalal sa kanila ng kanilang mga ka-purok.

Sa regular na sesyon kahapon, tumayo sa plenaryo si Maristela at nagbigay ng kanyang privilege speech ukol sa nasabing liham na pirmado ni Purok President Justice Niala, sampu ng kanyang mga kasamahang opisyales, na natanggap ng kanyang tanggapan noong Okt. 15.

RelatedPosts

City eyes digital payout for allowances

Structure in mangroves area demolished

CDRRMO finalizes hazards contingency plans

Ayon sa konsehal, nais malinawan ng nasabing mga indibidwal, na naroon din sa Session Hall ng Sangguniang Panlungsod, sa kung bakit hindi sila tanggap ng kanilang punong barangay na si Kapt. Gloria Miguel at iginiit na ang ginawa nilang pagtuloy sa eleksyon kahit may itinalaga na siyang purok president ay nasa tama lamang.

Batay sa liham, nais lamang nilang magkaroon ng isang maayos at mapayapang eleksyon sa kanilang purok kaya ang una nilang ginawang hakbang ay magpadala ng letter of request noong Sept. 21 na may kalakip na mga lagda ng mga residente bilang pagrespeto kay Kapt. Miguel, na payo rin umano sa kanila ng isang kagawad.

Ngunit dakong 2:45 pm ng petsang nabanggit, nang sila ay magpapirma na, ay tumanggi umano si Kapt. Miguel na tanggapin ang liham dahil may itinalaga na siyang presidente ng purok na si Jonah Cervancia na asawa ng isa sa kanyang mga tanod. At makalipas ang 25 minuto ay nakita na umano nilang naka-post na sa Facebook account ng ingat-yaman ng barangay na si Roselyn Delgado ang mga larawan ng bagong talagang presidente ng Purok Pag-asa.

“Ibig sabihin ay bago pa lang siya (kapitan) nag-appoint pagkatapos niyang ni-reject ang aming request letter para sa eleksyon ng purok. Kaya ang ginawa namin, tinuloy pa rin namin ang aming eleksyon dahil ang letter request namin ay may kalakip na pirma ng mag residente sa aming purok, dahil ‘yon ang gusto ng karamihan—ang magkaroon ng eleksyon….,” ang bahagi ng liham.

Kinabukasan umano ay kinausap sila ng bagong talagang purok president at ipinaabot sa kanila na kapag hindi sila sumunod sa kanya bilang siyang in-appoint ng kanilang punong barangay ay sila basta-basta makakukuha ng anumang clearance sa kanilang barangay gaya ng barangay certification na ayon na rin umano sa kautusan ng kapitan.

NANGYARI RIN SA IBANG PUROK?

“Kahit sa ibang purok  ay ganoondin ng kanyang ginagawa kaya nagkakagulo at dumudoble na ang mga opisyales ng purok,” ang bahagi pa ng liham. Kaya tanong nila sa kasalukuyan ay kung makatarungan ba at tama ba ang ginawa sa kanila ng kanilang kapitan na magtalaga ng mga purok officers ng hindi alam ng nakararami sa purok kundi ng mga itinalaga lamang at ng kapitan.

Kalakip naman sa liham ang mga pangalan ng ibang mga opisyales ng Purok Pag-asa na hindi umano tinatanggap ni Kapt. Miguel dahil lagi niyang sinasabi na “Ako’y may in-appoint na at ako ang kapitana [rito] at ako ang masusunod!”

Sa huli, ayon sa mga lumiham kay Kgd. Maristela na ang nais lamang nila ay tanggapin at kilalanin sila ni Kapitana Miguel bilang mga pinili ng mga mamamayan ng kanilang purok.

‘PAGLABAG SA BILL OF RIGHTS

Sa privilege speech ni Kgd. Maristela na pinamagatan niyang “Karaingan ng mga taga-Purok Pag-asa sa Brgy. San Manuel,” hinikayat niya ang kanyang mga kasamahan sa Konseho, sa pamumuno ni Bise Mayor Maria Nancy Socrates na tugunan ang isyu.

“Sa unang tingin, ay maaaring maliit na bagay lamang ito. Maaari ngang sabihin na problemang pang-barangay lamang ngunit kung susuriin nang mabuti ay malinaw na paglabag sa karapatan ng ating mga mamamayan na ginagarantiyahan ng saligang batas,” ani Maristela.

Paliwanag ni Maristela, ang naganap sa nasabing barangay ay isang uri ng pagsuway sa nakasaad sa Section 8 ng Article III (Bill of Rights) sa Saligang Batas ng Pilipinas na nagsasabing hindi dapat hadlangan ang karapatan ng mga mamamayan, kabilang ang mga nagtatrabaho sa mga pampubliko at pampribadong sektor, na bumuo ng unyon, mga asosasyon, o grupo basta para sa layuning hindi labag sa batas.

“Ang mga purok association po ay hindi government corporation or entity. Ito po ay isang asosasyon ng mga magkakapitbahay at magkakapurok. Hindi ko naman po sinasabi na dapat hindi sumunod sa mga alituntunin ng mga pamahalaang pangbarangay ngunit ang mag-appoint ng purok president sa isang purok ang at hindi kikilalanin ang mga opisyales na inihalal ng kanilang mga miyembro ay hindi lamang pagmamalabis sa kanyang kapangyarihan kundi paglabag din sa karapatan ng ating mga kababayan sa malayang pagtatayo ng mga asosasyon sa ilalim ng ating Saligang Batas,” ani Maristela.

Ibinulgar pa ng konsehal na di na bago sa kanya ang ganitong usapin.

“Ang ganitong pangyayari ay maaaring hindi lamang nangyayari sa Brgy. San Manuel. May naririnig din po ang inyong lingkod na may nangyayari rin pong ganito sa ibang barangay na kung hindi gusto ng kapitan ang inihalal na purok president sa isang purok ay naglalagay siya ng iba kaya ang nangyayari, sa halip na lalong magkaisa at magtulungan ang mga magkakapurok at magkakapitbahay ay nagkakahati-hati pa ito,” aniya.

“Dahil ba hindi kakampi sa pulitika ng kapitan ang nanalong purok president kaya naglagay siya ng iba? Ganito na ba kalala ang pulitika sa lungsod? Mga kasama, ito po ay hindi maganda para sa ating mga kabarangay at sa ating bayan,” komento pa ni Maristela.

Iminungkahi naman ni Kgd. Herbert Dilig na dahil base sa mga naunang kautusan ng DILG ay malinaw na usaping legal ang nagaganap ngayon sa San Manuel,  marapat lamang na ang naturang ahensiya rin ang magbigay-linaw sa isyu. Ngunit bagamat maganda ang suhestyon ni Kgd. Kgd. Dilig, iginiit ni Maristela na dapat mauna munang pag-usapan sa  Komite ang usapin at kung irerekomenda ng Komite na iaakyat ang isyu sa DILG ay saka pa lamang nila gagawin.

Sa kasalukuyan ay nakatakdang pag-usapan ang isyu sa joint committee meeting ng Committee on Legal Matters at Barangay Affairs (ang magpe-preside) na pinamumunuan ni ABC Federation President, Kgd. Francisco Gabuco.

Tags: Councilor Maristelaelected officials ng Purok Pag-asa
Share118Tweet74
ADVERTISEMENT
Previous Post

5 Dishes you didn’t know could be Raw Vegan

Next Post

Most wanted person in Roxas, arrested

Diana Ross Medrina Cetenta

Diana Ross Medrina Cetenta

Related Posts

City eyes digital payout for allowances
City News

City eyes digital payout for allowances

May 18, 2026
Structure in mangroves area demolished
City News

Structure in mangroves area demolished

May 18, 2026
CDRRMO finalizes hazards contingency plans
City News

CDRRMO finalizes hazards contingency plans

May 14, 2026
PPCCI partners with WPU to help empower local entrepreneurs
City News

PPCCI partners with WPU to help empower local entrepreneurs

May 8, 2026
BFAR trains Bangus fish cage operators to sustain local production in Puerto Princesa
Agriculture

BFAR trains Bangus fish cage operators to sustain local production in Puerto Princesa

May 5, 2026
City News

City crafts contingency plan for sanitary landfill

May 4, 2026
Next Post
Most wanted person in Roxas, arrested

Most wanted person in Roxas, arrested

Kawalan ng tiwala sa ilang opisyal sa Narra, Palawan dahilan ng isinusulong na recall petition

Kawalan ng tiwala sa ilang opisyal sa Narra, Palawan dahilan ng isinusulong na recall petition

Discussion about this post

Latest News

CBNC plants over 5,000 Palawan endemic trees to mark World Environment Day

CBNC plants over 5,000 Palawan endemic trees to mark World Environment Day

July 3, 2026
CBNC showcases its projects and community contributions to MinEcon 2026 delegates at exhibit opening

CBNC showcases its projects and community contributions to MinEcon 2026 delegates at exhibit opening

June 18, 2026
Acidre to WPU graduates: Use education to build a better Palawan

Acidre to WPU graduates: Use education to build a better Palawan

June 17, 2026
Calmia Nickel strengthens support for education through Brigada Eskwela

Calmia Nickel strengthens support for education through Brigada Eskwela

June 12, 2026
Legazpi calls for stronger safeguards for student-athletes after Ateneo drowning tragedy

Legazpi calls for stronger safeguards for student-athletes after Ateneo drowning tragedy

June 11, 2026

POPULAR NEWS

  • Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    15271 shares
    Share 6108 Tweet 3818
  • ‘Rizal is still relevant in a modern society’

    11746 shares
    Share 4698 Tweet 2937
  • Aktres na si Maja Salvador, sa Puerto Princesa inabutan ng quarantine

    10303 shares
    Share 4121 Tweet 2576
  • Everything you need to know about ukay-ukay and its illegality

    10164 shares
    Share 4066 Tweet 2541
  • Palawan ranks 2nd for 2020 Hottest Destination in the world

    9756 shares
    Share 3902 Tweet 2439
ADVERTISEMENT
Palawan Daily News

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing

Navigate Site

  • Home
  • Latest News
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN

Follow Us

No Result
View All Result
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing