Puspusan na ang pangangampanya ng 3in1 at One Palawan para sa nalalapit na plebisito kaugnay ng paghahati ng Palawan sa tatlong probinsiya. Isa mga aktibo ngayon sa pangangampanya kontra sa paghahati ng Palawan ay ng suspended mayor ng Narra na si Mayor Gerandy Danao.
“Nagsalita na rin mismo si Mayor Danao at nag-usap na rin kami tungkol diyan so ang kaniyang posisyon ay hindi siya pabor sa paghahati ng Lalawigan ng Palawan sa tatlo. Nag-iikot din siya para sabihin sa taumbayan na ‘wag iboto ang ‘YES’ sa bayan ng Narra,” ani Jojo Gastanes, tagapagsalita ni Suspended Mayor Gerandy Danao.
Dagdag pa nito na hindi lamang ang suspendidong mayor ang naglilibot pati na rin ang mga sumusuporta sa kaniya.
“At yung grupo [ng] mga ilan sa mga supporters niya ay talagang nag-iikot din. So kasama yun na talagang sa ngayon pa lang ay umiikot na sila sa taumbayan.”
Aniya nirerespeto nito ang desisyon na tumutol sa pagtatatag ng 3 lalawigan sa Palawan dahil may punto naman si Danao.
“Tayo naman ay nasa demokrasya kaya nga meron tayong plebisito para [irespeto] kung ano ang posisyon ng bawat isa. So I really respect yung kaniyang opiniyon at kaniyang pananaw eh [kasi] valid naman yung kaniyang sinasabi ‘no.”
Sa ngayon ang kanilang grupo ay naghihintay ng verification ng COMELEC para sa kanilang recall petition kontra sa mga opisyal ng bayan ng Narra.
Discussion about this post