Inilabas na ng Puerto Princesa City Police Office (PPCPO) ang computerized facial composite ng gunman sa pagpatay sa negosyanteng Vietnamese national na si Vu Dang sa tahanan nito sa Barangay Santa Monica, Puerto Princesa City noong nakaraang araw.
Sa press release na ibinahagi ng PPCPO, base ang naturang computerized facial composite sa sa deskripisyong ibinigay ng limang saksi sa pamamaril.
Samantala, patuloy ang ginagawang tracker ng Special Investigation Task Group “Vu Dang.”
Discussion about this post