Dead on arrival sa pagamutan ang isang lalaki matapos barilin ng hindi pa tukoy na mga suspek sa Barangay Barongbarong, Brooke’s Point, Palawan, kahapon, Agosto 16, pasado 7:00 ng gabi.
Ang biktima ay kinilalang si Elarde Taha Halom, 47-anyos, driver, at residente ng Barangay Aribungos, Brooke’s Point, Palawan.
Natuklasan sa imbestigasyon na bago ang insidente, bandang 6:30 PM ng parehong petsa, pumunta ang mga suspek sa isang bahay upang hanapin ang isang tao ngunit hindi nila ito natagpuan.
Umalis ang dalawang lalaking salarin ngunit bumalik ng 7:00 PM at binaril ang biktima mula sa labas ng bahay habang siya ay nanonood ng telebisyon.
Matapos gawin ang pamamaril ang dalawang lalaking salarin ay tumakas papunta sa hindi malaman na direksyon sakay ng isang motorsiklo (scooter), na walang plaka.
Ang biktima ay dinala sa Leoncio General Hospital ngunit idineklara ng doktor na (DOA) dahil sa tama ng bala. Nakumpiska na ebidensya ay isang (1) nabaril na kartus ng baril na may kalibre .40.
Discussion about this post