Nasunog ang isang bahay sa Purok Magsasaka, Bgy. Irawan, mga dakong 1:30 P. M., Enero 23, 2019 na kalaunan ay naagapan sa tulong ng mga kalapit bahay nito at mga dumadaang motorista sa lugar na agad din na respondehan ng mga taga-Bureau of Fire Protection Puerto Princesa.
Nagtamo naman ng sugat sa paa ang may-ari ng bahay na si Danny Baban Resuma habang ito’y nag-aapula ng apoy ng mabagsakan ng drawer na may salamin ang kanyang kaliwang paa.
Ayon sa kanyang salaysay nasa labas siya ng bahay at may narinig syang lagitik sa loob at napansin nya na may usok na lumalabas sa kwarto ng kanyang anak at doon na sya sumigaw at humingi ng tulong sa mga kalapit bahay.
“Nasa labas ako ng bahay ng bigla akong may narinig na lagitik. Doon nag simula sa mga damit na nakatiklop, pero maliit pa at mausok baba na ako sigaw na kagad sa mga kapatid ko, pag akyat ko sabuyan ko ng tubig bigla namang lumakas ung apoy, agad naman nag tuloy tuloy ang apoy,” pahayag ni Danny ng nakapanayam ito ng Palawan Daily News.
Inaalam pa ng Bureau of Fire Protection ang pinagmulan ng sunog
Discussion about this post