Sinampahan na ng kaso sina Semre Musadal at Sandy Cabuali matapos umanong molestiyahin ng mga ito ang siyam na menor de edad na atletang kabilang sa MIMAROPA Regional Athletic Association (RAA) Meet 2019.
Pauwi na ang mga atleta sa lungsod ng Puerto Princesa at nakasabay ang mga suspek nang sumakay ang mga ito sa barko galing Coron.
Habang naliligo umano ang mga menor de edad na mga atleta ay pumasok ang dalawang suspek at pinaghihipuan ang mga maseselang bahagi ng katawan ng mga ito.
Nagtangka pa umano ang mga suspek na bigyan ng pera ang mga atleta para hindi magsumbong pero agad ding nalaman ng kanilang mga magulang ang panghahalay. Kinalaunan ay umamin din ang mga suspek sa pangbabastos sa mga bagito.
“Hinawakan ko lang po yung hita nila, pero kinausap ko naman kung papayag sila eh,” sabi ng isang suspek.
Ang mga suspek, na pawang mga dayo lamang sa lungsod ay agad na nahuli pagdaong ng barko sa lungsod at dinala agad sa PNP.
Discussion about this post