Nangako ang Delta P Inc. na ipagpapatuloy ang pagbibigay ng istable na supply ng kuryente sa lungsod ng Puerto Princesa sa kabila na ilang empleyado nila ang nagpositibo sa COVID-19.
Base sa sulat na ng kompanya kay City Mayor Lucilo R. Bayron, bilang bahagi umano ng transparency, isa sa kanilang contractors ang nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) noong September 30, 2020.
Kaugnay nito ay ipinatupad nila agad ang compound lockdown sa parehong araw at nagkaroon ng at least 24 na empleyado ang nag-shifting sa trabaho para walang hadlang kanilang serbisyo habang ang ilan ay naka-work from home.
Nakikipag-ugnayan din umano ang Delta P Inc. sa City Incident Management Team (CIMT) at sa City Health Office (CHO) kaugnay sa contact tracing sa unang nag positibo sa virus.
Sa ngayon umano ay tatlo sa kanilang empleyado at dalawa sa kanilang contractors ang dumaan sa RT-PCR test ang nag positibo sa COVID-19.
Samantala, siniguro naman ng kompanya na ipagpapatuloy ang kanilang serbisyo sa lungsod habang ipinapatupad ang maigting na health at safety protocol sa kanilang mga manggagawa.
Discussion about this post