Sa flag raising ceremony kaninang umaga ng Marso 14, ng City Government sinabi ni Mayor Lucilo R. Bayron, na nais nitong makausap ang Inter Agency Task Force (IATF) kaugnay sa travel protocol sa Puerto Princesa.
Sinabi nito nang siya ay bumiyahe sa Maynila ay napansin nito na hindi mahigpit doon tulad ng dati na normal na kilos.
“Kasi pagdating namin dito sa City sa Airport may mga hinanap pa sa amin na requirements, tanggalin na ang hindi kinakailangan pa sa travel protocol sa Puerto Princesa,” saad ni Bayron.
Dagdag pa ng alkalde nakaka-istorbo na ang paulit ulit na paghahanap ng vaccination card “kailangan e review natin yan sa tuwing dumarating sa lungsod.”
Sa ngayon, mayroon na lamang aktibong kaso ng COVID-19 ang Puerto Princesa na 36 at inaasahang nasa recovery na ang lungsod.
Discussion about this post