Pormal nang inilunsad ng IRONMAN Philippines ang kompetisyon dito sa lungsod ng Puerto Princesa sa ginanap na press conference kaninang umaga, March 28, 2022, sa gusali ng Pamahalaang Panlungsod.
Pinangunahan ni City Mayor Lucilo R. Bayron ang aktibidad kasama sina Vice Mayor Nancy Socrates, IMT Commander Dr. Dean Palanca, City Administrator Atty. Arnel Pedrosa, Asst. City Tourism Officer Demetrio Alvior, City Sports Director Rocky Austria, Acting City PNP Director PCOL. Robert Bucad maging ang mga Sanggunian Panlungsod members at ang President at General Manager ng IRONMAN Philippines na si Princess Galura.
“The IRONMAN 70.3 will be held in the City of Puerto Princesa this coming November 13, and we’re looking forward to welcome you warmly and sincerly here in the City of Puerto Princesa so we’ll see you soon please come,” ani Bayron.
Ang Iron Man 70.3 ay isang long-distance triathlon na kung saan ang “70.3” ay nangangahulugan ng total distance in miles ng kompetisyon.
Ayon kay Princess Galura, President and General Manager of IRONMAN Philippines, matagal na umano nila ito pinaghahandaan at gustong ilunsad ang nasabing aktibidad katuwang ang City Government. Limitado lamang ito sa 1,600 na kalahok.
“Matagal namin itong pinaghandaan ni Mayor, dapat po nung 2020 na naging 2021 at ngayon po 2022 baka nga po blessing in disguise kasi po ito po ang unang karera na nil-launch po namin sa Asia na bagong destination after the pandemic and ngayon po na maraming tao ang hindi nakapag karera ng dalawang taon I’m sure lahat po sila ay gustong-gusto mag karera na,” ani Gudura.
Sa Marso 30 nakatakdang magsimula ang registration ng aktibidad at inaasahang makakakuha ng 1,600 na kalahok. Ito na umano ang pinakamaraming slots sa mga karera sa Asya.
Ayon sa IRONMAN Philippines magsisimula umano sa Puerto Princesa City Bay walk kung saan mahigit 1.9 km ang kailangan languyin. Susundan naman ng 90 km three-loop bike leg na magsisimula sa bahaging Sur ng lungsod hanggang Iwahig Bridge at pabalik ng Ramon V. Mitra Sports Complex. At panghuli ay ang 21.1 km run papuntang Baywalk pabalik sa City Sports Complex.
Dagdag pa ni Gudura, malaking tulong umano ito sa muling pag-lago ng ekonomiya ng lungsod matapos na buksan muli ang turismo at maraming mga malalaking personalidad sa buong mundo ang inaasahang lalahok umano dito.
“Kasi nga nung nag-iikot kami a couple of weeks ago nakita namin maraming saradong hotel. So nakita namin na yun ang ating… I think magiging malaking impact dito sa Puerto Princesa because each participant who will compete will normally bring himself and since this is the destination race can possibly bring two or three more of his family members,” pahayag ni Gudura.
“Ang participants natin will come from all over the world and they are here to experience… This formula of sports tourism has been proven worldwide wherever we go in Alaska in Melbourne in South Africa the participants of IRONMAN are basically male about 35 to 50 years old and they are the heads of families have good education the heads of companies,” ani Gudura.
Discussion about this post