Isang radio broadcaster, arestado

0
793
- Advertisement -

Last Updated on

Arestado ng pulisya ang isang radio broadcaster kaninang alas-9 umaga sa Bgy San Pedro, Puerto Princesa City.

Nakilala ang suspek na si Rosalio Abile Martinez , 54, may asawa, anchorman ng isang himpilan ng radio sa syudad at residente ng Purok Sandiwa, Brgy. Tiniguiban, Puerto Princesa City.

Inaresto ang mamamahayag sa pamamagitan ng dalawang warrant of arrest na inilabas ni Judge Enrique Selda ng MTCC Branch 3, Puerto Princesa na parehong may petsang September 5, 2019 dahil sa kasong Acts of Lasciviousness.

Agad din naman nakapag piyansa ang suspek.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here