ADVERTISEMENT
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
No Result
View All Result
Home City News

Lumang reklamo laban sa pinuno ng Puerto Princesa City Agriculture, ipinaabot sa Sanggunian

Diana Ross Medrina Cetenta by Diana Ross Medrina Cetenta
March 30, 2021
in City News
Reading Time: 2 mins read
A A
0
Lumang reklamo laban sa pinuno ng Puerto Princesa City Agriculture, ipinaabot sa Sanggunian
Share on FacebookShare on Twitter
Print Friendly, PDF & Email

Nakasalang ngayon sa Committee of the Whole sa Sangguniang Panlungsod ang reklamo ng dalawang kawani ng Office of the City Agriculturist Office (CAO) laban sa pinuno ng kanilang tanggapan.

Sa liham ni Kgd. Jimmy Carbonell na isinumite sa City Council na may petsang Marso 10, inilakip nito ang liham na mula naman sa mga complainant na sina Raul Matillano, Agricultural Technician at Emil Cabanag,  Agricultural Technician II ng CAO na may petsang Pebrero 25 kaugnay sa kanilang reklamo laban kay City Agriculturist Melissa Macasaet.

RelatedPosts

CDRRMO finalizes hazards contingency plans

PPCCI partners with WPU to help empower local entrepreneurs

BFAR trains Bangus fish cage operators to sustain local production in Puerto Princesa

Sa regular na sesyon kahapon, tinalakay ang kahilingan ng mga nagrereklamo na ipahukay ang mga ibinaon umanong mga pataba sa dalawang magkahiwalay na barangay sa Lungsod ng Puerto Princesa. Ani Carbonell, ibinaon ang mga ito sa Rural Agricultural Center sa Brgy. Salvacion at sa Gintong Butil Farm sa Brgy. Luzviminda.

Matapos ang talakayan ay saglit na nag-recess ang City Council at sa kanilang pagbabalik ay napagkasunduan nilang pag-usapan muna ang usapin sa Committee of Whole (COW) sa pamamagitan ng executive session sa Abril 6 upang mabigyang pagkakataon na mapakinggan ang mga witness.

Sa panayam ng local media kay Kgd. Carbonell, chairman ng Committee on Environmental Protection and Natural Resources at miyembro ng Committee on Good Governance, binanggit niyang layon  ng pag-uusap sa COW na maging kampante ang mga testigo sa pagbahagi nila ng kanilang mga nalalaman.

Ipinaliwanag ng konsehal na nararapat lamang na gawin ito upang malaman ang katotohanan.

“Sumulat sila, in-address sa akin at ini-refer ko ito sa Joint Committee ng Good Government at saka Environmental Protection and Natural Resources dahil ang mga agricultural products na ‘yan ay mga toxic materials. Kung hindi maayos ang pagdi-dispose niyan, napakalaki ng epekto niyan sa kalikasan” ani Carbonell.

Giit niya, kung siya umano ang inakusahan at malinis ang kanyang konsiyensiya ay papayag siya na hukayin ang mga ito dahil mayroon namang mga saksi na makapagsasabi sa eksaktong lugar.

Nakarating pa umano sa kanyang kabatiran na nangangamoy ang mga patabang ibinaon sa lupa sa halip na ipamahagi sa mga magsasaka.

“Naniniwala ako na mayroon dahil hindi naman siguro itataya ng mga tao na ito ‘yong kanilang personalidad na ito kung hindi totoo [ang ipinupukol nilang isyu],” giit pa ni Carbonell nang tanungin kung naniniwala ba siyang may ibinaon na fertilizer.

Ipinaliwanag niyang kahit 2015 pa unang lumabas ang isyu ay wala namang batas na nagsasabing hindi na ito pwedeng maungkat ngayon kung ang kailangang malaman ang mga katotohanan.

“Sabihin natin na investigation o fact-finding siguro, karapatan din ng komite ‘yan na malaman. At kung ako rin ang inaakusahan at malinis ‘yong konsiyensiya ko at wala akong ginawang kasalanan, ay sasabihin ko sa komite na ‘Sige po, puntahan ninyo ‘yon. Pumapayag po ako na maghukay.’ Pero bakit ‘hindi’ ang katugunan? So, ito ay nagbibigay ng palaisipan sa ating mga magsasaka dahil programa ito ng ating Pamahalaang Panlungsod eh,” aniya.

Aniya na-dismiss man ang kasong administratibo ngunit wala naman umanong nangyaring ocular inspection kaya kapag natuloy ang paghahanap sa nasabing mga ibinaong abono ay isasama ang nabanggit na mga saksi.

“Alam [‘yon] ng mga complainant and witnesses [kung saan ibinaon ang mga pataba] at kung sino ang maghuhukay, siyempre, ang ating iko-commission diyan ay ang [mga tauhan] sa City Engineering Department dahil sila ang may mga heavy equipment na magagamit,” ayon pa kay Carbonell.

Samantala, sinikap naman naming hingan ng panig si City Agriculturist Macasaet ngunit tumanggi siyang magbigay ng pahayag.

Bukas ang Palawan Daily News sa magiging pahayag ni City Agriculturist Melissa Macasaet kaugnay ng usapain.

Tags: committee of the wholepuerto princesa citypuerto princesa city agricultureSanggunian Panlungsod
Share74Tweet46
ADVERTISEMENT
Previous Post

DYPR, Palawan first radio station to return this 2021

Next Post

Nickel Asia addresses anti-vaxxers

Diana Ross Medrina Cetenta

Diana Ross Medrina Cetenta

Related Posts

CDRRMO finalizes hazards contingency plans
City News

CDRRMO finalizes hazards contingency plans

May 14, 2026
PPCCI partners with WPU to help empower local entrepreneurs
City News

PPCCI partners with WPU to help empower local entrepreneurs

May 8, 2026
BFAR trains Bangus fish cage operators to sustain local production in Puerto Princesa
Agriculture

BFAR trains Bangus fish cage operators to sustain local production in Puerto Princesa

May 5, 2026
City News

City crafts contingency plan for sanitary landfill

May 4, 2026
Need for dwelling space triggers mangrove cutting in Luzviminda
City News

Need for dwelling space triggers mangrove cutting in Luzviminda

April 30, 2026
Puerto Princesa records 47 degrees Celsius heat index
City News

Puerto Princesa records 47 degrees Celsius heat index

April 29, 2026
Next Post
Nickel Asia addresses anti-vaxxers

Nickel Asia addresses anti-vaxxers

Lungsod ng Puerto Princesa, may 6 na index patients

Lungsod ng Puerto Princesa, may 6 na index patients

Discussion about this post

Latest News

Seaside Cebu Arena to open this June 2026

Seaside Cebu Arena to open this June 2026

May 15, 2026
PAGASA: El Niño may emerge starting June 2026

PAGASA: El Niño may emerge starting June 2026

May 15, 2026
WPU strengthen ties with BFAR

WPU strengthen ties with BFAR

May 15, 2026
Napocor assures fuel supply assistance at lower rates to power providers

Napocor assures fuel supply assistance at lower rates to power providers

May 15, 2026
DSWD, DOLE trains 232 4Ps beneficiaries in Bataraza

DSWD, DOLE trains 232 4Ps beneficiaries in Bataraza

May 15, 2026

POPULAR NEWS

  • Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    15262 shares
    Share 6105 Tweet 3816
  • ‘Rizal is still relevant in a modern society’

    11719 shares
    Share 4688 Tweet 2930
  • Aktres na si Maja Salvador, sa Puerto Princesa inabutan ng quarantine

    10301 shares
    Share 4120 Tweet 2575
  • Everything you need to know about ukay-ukay and its illegality

    10117 shares
    Share 4047 Tweet 2529
  • Palawan ranks 2nd for 2020 Hottest Destination in the world

    9749 shares
    Share 3899 Tweet 2437
ADVERTISEMENT
Palawan Daily News

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing

Navigate Site

  • Home
  • Latest News
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN

Follow Us

No Result
View All Result
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing