ADVERTISEMENT
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
No Result
View All Result
Home City News

ONP, suportado ang panukalang 24/7 medical exam service para sa mga kababaihang biktima ng karahasan

Diana Ross Medrina Cetenta by Diana Ross Medrina Cetenta
March 26, 2021
in City News, Puerto Princesa City
Reading Time: 3 mins read
A A
0
RT-PCR cartridges sa Puerto Princesa, ubos na!
Share on FacebookShare on Twitter
Print Friendly, PDF & Email

Masayang ibinahagi ng medical center chief ng Ospital ng Palawan (ONP) na si Dr. Melecio Dy na wala pa man ang panukalang resolusyon ni Vice Mayor Maria Nancy Socrates na humihikayat sa pamunuan ng ospital na magkaroon ng tuloy-tuloy na serbisyo para sa mga kababaihang biktima ng karahasan ay mayroon nang Women and Children Protection Unit (WCPU) ang ONP.

Sa phone interview, tinuran ni Dr. Dy na sa katunayan ay mahigit 10 taon na ang nasabing unit ng ONP gaya rin sa iba pang DOH hospitals sa buong bansa.

RelatedPosts

Provincial and city leaders converge for BFP 2026 kick-off ceremony

Nineteen days before the bullet

SMNHS admin apologizes for ‘harsh’ language, denies student humiliation

“Ang purpose ng unit na ‘yan is primarily, para sa mga babae at saka sa mga bata na na-abuse kaya ang [pangalan nito ay] protection unit. So, for example, doon sa mga kababaihan, ito ‘yong mga physically abused, mentally abused o sexually abused—doon kini-cater para ma-maintain din ‘yong mga privacy [nila]….,” ani Dr. Dy.

“Alam naman [kasi] natin na sa ganyang situation ay mahihiya ‘yong pasyente na pupunta sa ERs. Sa ospital ‘yan, once na mayroong ma-identify na case na ganyan habang ininterbyu ng doktor ay ma-find out na may ganitong abuse, ‘yan, nire-refer na agad sa WCPU. Ganoon din sa bata—doon sila pinapadala,”  dagdag pa niya.

Aniya, may nakatalaga sa WCPU na mga kawaning may sapat na kasanayan. Kadalasan, ito ay social worker, at mga babaeng doktor na OB/GYN, at pediatrician na para naman sa mga bata.

“In principle, nag-o-operate ang WCPU natin 24/7 however, ‘yong mga expert na naka-assign diyan, usually naandiyan during office hours. Mayroong mga coordination kasi na kailangang gawin, and this is possible, most of time during office hours kasi may mga networking na hindi lang dito sa ospital, [kundi] even outside the ospital,” ayon pa sa pinuno ng ONP, ang DOH hospital sa Lalawigan ng Palawan.

Pagkatapos naman umano ng office hours ay may magki-cater ding social worker sa WCPU at mga doktor na bagamat hindi sila na-train partikular sa nasabing unit ay aware sila kung kailangang i-refer sa WCPU ang isang pasyente. Kung emergency ay on-call rin ang mga trained personnel ng nasabing unit.

“We make the necessary referral. Mayroong protocol ang WCPU natin para ma-cater pa rin sila. Gano’n ‘yong general setup natin. We don’t turn away ‘yong mga pasyente na mangangailangan ng WCPU. Parang align din ito doon sa [panukala] ni Vice Mayor na 24/7 na help desk, lalo na sa mga kababaihan,” ani Dr. Dy.

“Ang kailangan lang namin, siyempre, manpower. Ang nangyayari, as of now, multi-tasking ang mga staff natin after office hours. Meaning to say, the social worker na naka-assign sa ER will also handle that, although hindi naman iisa ‘yan, mayroon pang ibang social worker. Ang ideal kasi, mayroon kang sariling taong na 24/7, na dedicated….,” wika niya.

Iyon umano ang pangarap ng pamunuan ng ONP: malagyan ng sapat na bilang ng tao na tututok lamang sa WCPU. Sa ngayon ay wala pa umano silang mailalagay na full time na tao dahil sa human resource requirement sapagkat wala namang plantilla position para roon.

PANAWAGAN NG ONP

Nananawagan naman ang pamunuan ng ONP ng tulong ng mga kinauukulan at iba pang sektor upang maibigay pa ang mas magandang serbisyo sa kababaihan at mga batang biktima ng karahasan gaya na lamang na malagyan ng appropriate resources ang WCPU, kabilang na ang mga akmang personnel.

Umaasa umano si Dr. Dy na magkaroon ng pamamaraan na matugunan ang kinakaharap na hamon, hindi lamang sa pamamagitan nilang  nasa ONP kundi sa tulong an rin ng Pamahalaang Panlungsod, o mga NGO partners.

“Ang tugon namin, sinusuportahan naman natin ‘yong ganitong objective in providing na ganitong serbisyo para sa mga kababaihan, doon naka-anchor sa WCPU. And part of the services dapat ‘yan sa ospital,” ani Dr. Dy.

Tiniyak naman ng medical center chief ng ONP na walang dapat ikabahala  sa babayaran kapag magpakonsulta sa WCPU, lalo na kung indigent ang pasyente. Tiniyak din niyang mapangangalagaan ang mga impormasyon ng bawat pasyente.

Samantala, noong nakaraang Lunes, Marso 22 ay pasado na sa second reading ng Sangguniang Panlungsod ang nasabing kahilingan ni Bise Mayor Socrates na Sanggunian Draft Resolution (SDR) No. 189A-2021.

Tags: Ospital ng Palawan (ONP)Women and Children Protection Unit (WCPU)
Share68Tweet42
ADVERTISEMENT
Previous Post

Mga turista sa Coron na nagpositbo sa COVID-19, nakabalik na ng Maynila

Next Post

Department of Health, nananawagan na itigil ang pagsingit sa pila ng pagbabakuna kontra COVID-19

Diana Ross Medrina Cetenta

Diana Ross Medrina Cetenta

Related Posts

Provincial and city leaders converge for BFP 2026 kick-off ceremony
City News

Provincial and city leaders converge for BFP 2026 kick-off ceremony

March 5, 2026
Airport chief gunned down on Ash Wednesday ambush
City News

Nineteen days before the bullet

March 2, 2026
SMNHS admin apologizes for ‘harsh’ language, denies student humiliation
City News

SMNHS admin apologizes for ‘harsh’ language, denies student humiliation

March 2, 2026
Granada at baril, kabilang sa mga narekober sa u-box ng motorsiklo na hinihinalang gamit ng dalawang hitmen sa pamamaslang kay Infante
City News

Granada at baril, kabilang sa mga narekober sa u-box ng motorsiklo na hinihinalang gamit ng dalawang hitmen sa pamamaslang kay Infante

March 2, 2026
City spearheads Cultural Mapping Workshop
City News

City spearheads Cultural Mapping Workshop

March 2, 2026
City eyes urban transport terminal near SM
City News

City eyes urban transport terminal near SM

February 26, 2026
Next Post
Department of Health, nananawagan na itigil ang pagsingit sa pila ng pagbabakuna kontra COVID-19

Department of Health, nananawagan na itigil ang pagsingit sa pila ng pagbabakuna kontra COVID-19

Bidding para sa feasibility study ng phase 3 ng PPCWD-WSIP, pinaghahandaan na

Bidding para sa feasibility study ng phase 3 ng PPCWD-WSIP, pinaghahandaan na

Discussion about this post

Latest News

Mega Gloryoung International (MGI) to launch eyewear products on March 10 in Puerto Princesa

Mega Gloryoung International (MGI) to launch eyewear products on March 10 in Puerto Princesa

March 6, 2026
Provincial and city leaders converge for BFP 2026 kick-off ceremony

Provincial and city leaders converge for BFP 2026 kick-off ceremony

March 5, 2026
Strip the money and see who still files candidacy

Under construction, under construction

March 5, 2026
Cong. JCA, sinabing malapit nang makauwi ang 24 Palawenyong mangingisda na nakapiit sa Kota Kinabalu

Cong. JCA, sinabing malapit nang makauwi ang 24 Palawenyong mangingisda na nakapiit sa Kota Kinabalu

March 2, 2026
Airport chief gunned down on Ash Wednesday ambush

Nineteen days before the bullet

March 2, 2026

POPULAR NEWS

  • Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    15238 shares
    Share 6095 Tweet 3810
  • ‘Rizal is still relevant in a modern society’

    11683 shares
    Share 4673 Tweet 2921
  • Aktres na si Maja Salvador, sa Puerto Princesa inabutan ng quarantine

    10299 shares
    Share 4120 Tweet 2575
  • Everything you need to know about ukay-ukay and its illegality

    9981 shares
    Share 3992 Tweet 2495
  • Palawan ranks 2nd for 2020 Hottest Destination in the world

    9735 shares
    Share 3894 Tweet 2434
ADVERTISEMENT
Palawan Daily News

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing

Navigate Site

  • Home
  • Latest News
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN

Follow Us

No Result
View All Result
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing