Nagsagawa ng Budget Forum ang Local Finance Committee (LFC) ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan bilang paghahanda sa Fiscal Year 2024 Local Expenditure Program. Ginanap ito sa Governor’s Conference Room ngayong araw, Hulyo 27.
Kasama ang mga pinuno ng iba’t ibang departamento at yunit ng Pamahalaang Panlalawigan at Sangguniang Panlalawigan, pinangunahan ni Atty. Jethro Palayon bilang Chairman ng LFC ang nasabing pagtitipon.
Nilakipan ng pag-uusap ang mga Layunin, Direksyon, at Mga Prioridad sa Pag-unlad para sa taong 2024 ng Pamahalaang Panlalawigan. Tinalakay nito ang mga sektor ng governance, economy and livelihood, human development, general welfare, at environment.
Binigyang-diin rin ng Provincial Budget Office ang mga patakaran sa paggamit ng National Tax Allocation bilang karagdagang pondo para sa mga programa, proyekto, at aktibidad (PPAs) na may layuning makamit ang mga target goals ng National Development Plan ng pamahalaang pambansa. Tinutukan din ang pagbuo ng Annual Budget para sa taong 2024.
Discussion about this post