Hiniling na suportahan ang endorsement ni City Mayor Lucilo Bayron na maging full-fledged City Director ng Puerto Princesa City Police Office si Police Colonel Ronie Siapno Bacuel base sa dalawang ipinasang resolusyon nina Konsehal Nesario Awat sa ginanap na 17th Regular Session sa City Council ngayong araw ng Lunes, Marso 27.
Kung matatandaan ay pumalit si Bacuel bilang acting City Director kay Police Colonel Roberto Bucad na mahigit isang taong namuno sa City PNP.
Samantala, aprubado na sa konseho at hihilingin naman sa Department of the Interior and Local Government (DILG) upang ganap nang maging City Director si Bacuel.
Discussion about this post