ADVERTISEMENT
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
No Result
View All Result
Home City News

PNP, inamin ang ‘lapses’ sa barilan sa Irawan; 4 na pulis-Puerto Princesa, pinangalanan na

Hanna Camella Talabucon by Hanna Camella Talabucon
April 7, 2026
in City News, Police Report, Puerto Princesa City
Reading Time: 3 mins read
A A
0
PNP, inamin ang ‘lapses’ sa barilan sa Irawan; 4 na pulis-Puerto Princesa, pinangalanan na

PDN file photo

Share on FacebookShare on Twitter
Print Friendly, PDF & Email

Sa katatapos lang na press conference ngayong araw ng Lunes, Abril 6, pormal nang pinangalanan ng Philippine National Police (PNP) ang apat na tauhan nito na sangkot sa madugong barilan sa Barangay Irawan noong Biyernes Santo, Abril 3, 2026.

Kasabay nito, inamin ng pamunuan ng pulisya na mayroong mga seryosong “operational lapses” o pagkukulang sa panig ng kanilang mga kawani na humantong sa trahedya.

RelatedPosts

24 na cruise ships, inaasahang darating sa Puerto Princesa sa susunod na taon

City eyes digital payout for allowances

Structure in mangroves area demolished

Batay sa inilabas na report ng Puerto Princesa City Police Office (PPCPO), kinilala ang mga sumusunod na PNP personnel na bahagi ng nasabing engkwentro:

1. PSSg Ryan Cris Cabaña (Nasawi)
2. PSSg Jayson Fernandez (Nasawi)
3. PCpl Renato Bendaña (Rumesponde)
4. PSSg Jonah Balangan (Rumesponde)
5. PSSG Michael Juan (Rumesponde)

6. PSSg Joseph Ian Carpio (Rumesponde)

(Paunawa: Dalawa sa mga pulis ay kabilang sa mga nasawi sa insidente, kasama ang isang empleyado ng Bureau of Corrections (BuCor) na kinilalang si CO1 Jerson Ojario Talon.)

Sa harap ng mga lokal na mamamahayag, hindi itinanggi ni PBGEN Jovencio Badua Jr., RD PRO MIMAROPA, na may mga protocol na hindi nasunod habang isinasagawa ang operasyon sa Zone 13, Brgy. Irawan.

“Yun ang violation natin doon, bakit sila lasing at naka civilian pa considering that the are under post because it’s Holy Week. Dapat kalmado pa din sila at saka ganoon na nagpakilala na na taga BuCor dapat nag isip din ‘yung ating mga pulis. Dapat hindi sila nagpadala sa emosyon,” ani Badua.

Binigyang-diin ng PNP leadership na bagaman ang apat ay itinuturing na on-duty dahil sa ipinatutupad na Full Alert o Red Alert status noong Semana Santa, malinaw na nilabag ng mga ito ang standard operating procedures ng organisasyon.

Ayon sa inisyal na ulat ng Special Investigation Task Group o SITG Irawan, ang pag-inom ng alak at ang pagsusuot ng civilian attire sa halip na opisyal na uniporme ay itinuturing na gross misconduct, lalo na sa panahon na ang buong pwersa ay dapat nasa pinakamataas na antas ng disiplina at kahandaan.

Ang kawalan ng uniporme ay nakita ring naging sanhi ng kalituhan sa pagkakakilanlan na posibleng nagpalala sa palitan ng putok sa pagitan ng mga pulis at ng nasawing kawani ng Bureau of Corrections na si Jerson Ojario Talon.

Inihayag ni Badua na hindi nila itotolerate ang ganitong uri ng kapabayaan at tinitingnan na rin ang aspeto ng command responsibility upang malaman kung may pananagutan din ang mga immediate supervisors ng mga nasabing pulis.

Sa kasalukuyan, hinihintay pa ang pinal na resulta ng ballistics examination at ang pagsusuri iba pang anggulo ng krimen upang mabuo ang buong serye ng mga pangyayari. Ayon din kay Badua, nakarekober sila ng pitong bala ng 9MM sa naturang crime scene bagaman hindi pa malinaw kung sino ang unang nagpaputok sa mga sangkot.

Samantala, tiniyak naman ng pulisya na magiging transparent sila sa paghawak ng kaso at walang mangyayaring cover-up kahit na kapwa mga alagad ng batas at lingkod-bayan ang sangkot.

“Mananagot ang dapat managot dito sa hanay ng pulisya,” ani Badua.
Share5Tweet3
ADVERTISEMENT
Previous Post

Puerto Princesa City Water District, siniguro ang kalinisan ng tubig na sinusuplay sa mga konsyumer

Next Post

The dead don’t speak, but the living are not allowed to

Hanna Camella Talabucon

Hanna Camella Talabucon

Related Posts

Puerto Princesa, nakapagtala ng sunod-sunod na pagbisita ng cruise ships nitong buwan ng Enero
City News

24 na cruise ships, inaasahang darating sa Puerto Princesa sa susunod na taon

July 22, 2026
City eyes digital payout for allowances
City News

City eyes digital payout for allowances

May 18, 2026
Structure in mangroves area demolished
City News

Structure in mangroves area demolished

May 18, 2026
CDRRMO finalizes hazards contingency plans
City News

CDRRMO finalizes hazards contingency plans

May 14, 2026
PPCCI partners with WPU to help empower local entrepreneurs
City News

PPCCI partners with WPU to help empower local entrepreneurs

May 8, 2026
BFAR trains Bangus fish cage operators to sustain local production in Puerto Princesa
Agriculture

BFAR trains Bangus fish cage operators to sustain local production in Puerto Princesa

May 5, 2026
Next Post
Strip the money and see who still files candidacy

The dead don't speak, but the living are not allowed to

Illicit tobacco trade in MIMAROPA reaches record highs

Illicit tobacco trade in MIMAROPA reaches record highs

Latest News

Puerto Princesa, nakapagtala ng sunod-sunod na pagbisita ng cruise ships nitong buwan ng Enero

24 na cruise ships, inaasahang darating sa Puerto Princesa sa susunod na taon

July 22, 2026

The Power of Intentionally Slowing Down

July 19, 2026

Why Words Matter: The Psychology Behind the Phrase ‘Trans Women Are Women’

July 19, 2026
CBNC plants over 5,000 Palawan endemic trees to mark World Environment Day

CBNC plants over 5,000 Palawan endemic trees to mark World Environment Day

July 3, 2026
CBNC showcases its projects and community contributions to MinEcon 2026 delegates at exhibit opening

CBNC showcases its projects and community contributions to MinEcon 2026 delegates at exhibit opening

June 18, 2026

POPULAR NEWS

  • Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    15275 shares
    Share 6110 Tweet 3819
  • ‘Rizal is still relevant in a modern society’

    11753 shares
    Share 4701 Tweet 2938
  • Aktres na si Maja Salvador, sa Puerto Princesa inabutan ng quarantine

    10303 shares
    Share 4121 Tweet 2576
  • Everything you need to know about ukay-ukay and its illegality

    10183 shares
    Share 4073 Tweet 2546
  • Palawan ranks 2nd for 2020 Hottest Destination in the world

    9757 shares
    Share 3902 Tweet 2439
ADVERTISEMENT
Palawan Daily News

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing

Navigate Site

  • Home
  • Latest News
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN

Follow Us

No Result
View All Result
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing