PUERTO PRINCESA CITY — Itinanggi ng Palawan National School (PNS) na ang aga ng pasok ng paaralan ang dahilan ng nangyaring panggagahasa noong Agosto 8, 2018.
Bagkus ay itinurong responsibilidad ng pulisya at ng mga barangay tanod ang ganitong mga insidente.
Ayon kay Dr. Eduardo Santos, School Principal, nararapat na mas patibayin ang “police visibility” sa lungsod upang maiwasan ang ganitong klaseng mga krimen.
Dagdag pa niya ay responsibilidad din umano ng mga magulang ang siguruhin ang kaligtasan ng kanilang mga anak.
Hindi aniya lingid sa kaalaman ng mga magulang ng mga estudyante ang ganitong klaseng program scheme dahil sumailalim ang mga magulang sa oryentasyon bago pumasok ang school year kung kaya ay nanindigan ang paaralan na hindi nito babaguhin ang oras ng pasok ng mga estudyante.
Dagdag pa ni Dr. Santos, “program scheme” o ang shifting ng class schedule ay minandato dahil sa kakulangan ng mga classrooms ng paaralan. Aniya’y hanggang ngayon ay hindi pa maaring gamitin ang ibang mga classroom dahil “under construction” pa din ang mga ito.
Discussion about this post