ADVERTISEMENT
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
No Result
View All Result
Home City News

WPU-Supreme Student Council, naglabas ng pahayag kontra paghahati ng Palawan

Diana Ross Medrina Cetenta by Diana Ross Medrina Cetenta
March 12, 2021
in City News, Puerto Princesa City
Reading Time: 2 mins read
A A
0
WPU-Supreme Student Council, naglabas ng pahayag kontra paghahati ng Palawan
Share on FacebookShare on Twitter
Print Friendly, PDF & Email

Naglabas ng pahayag ang bumubuo ng Western Philippines University Supreme Student Council (WPU-SSC) Main Campus sa Bayan ng Aborlan na sila ay naninindigang “hindi dapat hatiin sa tatlong lalawigan ang Palawan.”

“Walang sapat na basehan para hatiin sa tatlo ang Palawan. Una, walang economic study o anumang wastong pag-aaral na ginawa para magpatunayang mayroon ngang benepisyo sa mga Palawenyo ang paghati sa Palawan at ang pagiging mahirap pamahalaan ng lalawigan ay hindi malulutas sa pamamagitan ng paghahati nito. Walang datos, pag-aaral, o basehan na ipinakita na nagsasabing uunlad nga ang lalawigan kung mahahati ito,” ang bahagi ng kanilang pahayag na kanilang ipinaskil sa kanilang social media page Huwebes ng hapon.

RelatedPosts

Provincial and city leaders converge for BFP 2026 kick-off ceremony

Nineteen days before the bullet

SMNHS admin apologizes for ‘harsh’ language, denies student humiliation

Ang ikalawa nilang dahilan kontra sa paghahati — ang pagkakaroon ng mas maraming probinsiya ay makadaragdag lamang sa gastusin ng bansa gaya ng kuryente, tubig, internet, gas, office supplies at equipment, at iba pang overhead expenses.

Madadagdagan din umano ang bilang ng pulitiko na kailangang swelduhan ng bansa, base sa pahayag noon ni Finance Sec. Carlos Dominguez III at iginiit na sa ibang bansa ay pinag-iisa pa nga ang mga lugar upang lumiit ang mga gastusin.

“Mahalagang balikan ang kasaysayan. Ang mga nangangampanya para sa paghati ng lalawigan ay sila ring nagtanggal ng scholarship ng mga mag-aaral ng WPU pagkatapos tutulan ng mga kawani at mag-aaral ng pamantasan ang pagpapatayo ng Coal Power Plant sa Aborlan,” ang tahasan pa nilang katanungan.

“Paano natin pagkakatiwalaan ang pamunuan na ang naging tugon sa pagkakaroon ng sariling pananaw ay pag-aalis sa pag-asa ng mga mag-aaral na makapagtapos at tumaas ang antas sa buhay?” tanong pa ng mga lider-kabataang nag-aaral sa WPU main campus.

Ayon sa kanila, “Hindi na sana pinagtuunan pa ng pansin ang pangangampanya upang hatiin ang lalawigan.”

Anila, ang mas mainam na gugulan ng salapi, oras, at lakas ay ang pagbibigay tulong sa mga lubos na naapektuhan ang kabuhayan ng pandemya, pagbibigay ng sapat na kagamitan at benepisyo sa mga frontliners, pagbili ng sapat na bakuna; pagpapaabot ng tulong-estudyante, partikular sa mga estudyanteng hirap sa online/modular/blended learning; at  pag-aaral kung paano palalakasin ang mga ahensiya ng gobyernong panlalawigan at mga munisipyo upang mas makapaglingkod sa mga Palaweño.”

Matandaang ilang taon na rin ang nakalilipas nang personal na inanunsiyo noon ni Palawan Gov. Jose Chaves Alvarez, sa isang aktibidad sa Bayan ng Aborlan, na aalisin niya sa listahan ng scholarship program ng Provincial Government ang mga mag-aaral ng WPU Main Campus na lumahok sa mga protesta laban sa pagtatayo ng planta ng coal sa nasabing munisipyo. Ang pagtatayuan noon ay sa Bgry. San Juan na kalapit lamang sa campus ng WPU-Aborlan.

Tags: Western Philippines University Supreme Student Council (WPU-SSC)
Share50Tweet32
ADVERTISEMENT
Previous Post

Miss Palawan crowned their three Queens last March 10

Next Post

Resulta ng plebisito, target mailabas ng Marso 16

Diana Ross Medrina Cetenta

Diana Ross Medrina Cetenta

Related Posts

Provincial and city leaders converge for BFP 2026 kick-off ceremony
City News

Provincial and city leaders converge for BFP 2026 kick-off ceremony

March 5, 2026
Airport chief gunned down on Ash Wednesday ambush
City News

Nineteen days before the bullet

March 2, 2026
SMNHS admin apologizes for ‘harsh’ language, denies student humiliation
City News

SMNHS admin apologizes for ‘harsh’ language, denies student humiliation

March 2, 2026
Granada at baril, kabilang sa mga narekober sa u-box ng motorsiklo na hinihinalang gamit ng dalawang hitmen sa pamamaslang kay Infante
City News

Granada at baril, kabilang sa mga narekober sa u-box ng motorsiklo na hinihinalang gamit ng dalawang hitmen sa pamamaslang kay Infante

March 2, 2026
City spearheads Cultural Mapping Workshop
City News

City spearheads Cultural Mapping Workshop

March 2, 2026
City eyes urban transport terminal near SM
City News

City eyes urban transport terminal near SM

February 26, 2026
Next Post
Resulta ng plebisito, target mailabas ng Marso 16

Resulta ng plebisito, target mailabas ng Marso 16

2 positibo sa COVID-19 sa Puerto Princesa City, hindi pa kinumpirma ng DOH-IMT

2 positibo sa COVID-19 sa Puerto Princesa City, hindi pa kinumpirma ng DOH-IMT

Discussion about this post

Latest News

Provincial and city leaders converge for BFP 2026 kick-off ceremony

Provincial and city leaders converge for BFP 2026 kick-off ceremony

March 5, 2026
Strip the money and see who still files candidacy

Under construction, under construction

March 5, 2026
Cong. JCA, sinabing malapit nang makauwi ang 24 Palawenyong mangingisda na nakapiit sa Kota Kinabalu

Cong. JCA, sinabing malapit nang makauwi ang 24 Palawenyong mangingisda na nakapiit sa Kota Kinabalu

March 2, 2026
Airport chief gunned down on Ash Wednesday ambush

Nineteen days before the bullet

March 2, 2026
SMNHS admin apologizes for ‘harsh’ language, denies student humiliation

SMNHS admin apologizes for ‘harsh’ language, denies student humiliation

March 2, 2026

POPULAR NEWS

  • Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    15237 shares
    Share 6095 Tweet 3809
  • ‘Rizal is still relevant in a modern society’

    11683 shares
    Share 4673 Tweet 2921
  • Aktres na si Maja Salvador, sa Puerto Princesa inabutan ng quarantine

    10299 shares
    Share 4120 Tweet 2575
  • Everything you need to know about ukay-ukay and its illegality

    9977 shares
    Share 3991 Tweet 2494
  • Palawan ranks 2nd for 2020 Hottest Destination in the world

    9735 shares
    Share 3894 Tweet 2434
ADVERTISEMENT
Palawan Daily News

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing

Navigate Site

  • Home
  • Latest News
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN

Follow Us