ADVERTISEMENT
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
No Result
View All Result
Home Environment

PAMB Ursula, ininspeksyon ang pinagsadsaran ng fishing vessel

Diana Ross Medrina Cetenta by Diana Ross Medrina Cetenta
August 8, 2020
in Environment
Reading Time: 3 mins read
A A
0
PAMB Ursula, ininspeksyon ang pinagsadsaran ng fishing vessel
Share on FacebookShare on Twitter
Print Friendly, PDF & Email

Nagtapos na ngayong araw ang unang dalawang araw na actual assessment ng mga miyembro ng Protected Area Management Board (PAMB) ng Ursula Island Game Refuge and Bird Sanctuary sa pinagsadsaran ng isang fishing vessel kamakailan.

Ayon sa chairman ng HARIBON-Palawan na si Boy Magallanes, sa inisyal na datus ay nasa 26.5 metro ang lawak ng nakita nilang damage sa northeast na bahagi ng protected area dulot ng pagkakabahura ng bangkang Chris Paul Bill-III ng Irma Fishing and Trading Corp. noong katapusan ng Hulyo.

RelatedPosts

Alvarez urges public not to fear Pax Silica project

CBNC plants over 5,000 Palawan endemic trees to mark World Environment Day

Structure in mangroves area demolished

“So far, hindi pa final ‘yong report, gagawin pa namin ‘yong mapa; basta around 26.5 meters ‘yong damage kasi forward lang ng barko ‘yong sumadsad tapos no’ng low tide, siyempre maalon, natagtag nito, irregular kasi ‘yong coral substrate—‘yong massive forest coral, ‘yon ‘yong  mga nabasag,” ani Magallanes.

Aniya, asahan pa umanong lalawak pa ang total damage area sapagkat hindi pa nila napuntahan ang buzzer zone at hindi pa tapos sa pagsukat ang PCSD Staff dulot ng sama ng panahon.

“Yon lang ‘yong damage pero hindi pa naimamapa. Imamapa pa namin ito to come up with a total damage area. Iba pa ‘yong damage din ng corals,” dagdag pa niya.

Matatandaang sinimulan ng assessment team kahapon ang pagtingin sa lugar. Tumungo sa isla ang mga miyembro ng PAMB gaya ng BFAR, PNP Maritime, DENR-CENRO, WPU Rio Tuba, Brgy. Rio Tuba, PCG Rio Tuba, PCSD Staff, mga volunteer diver ng HARIBON Palawan, CBNC at RTNMC.

“Ursula Island Damage Assessment:  The damage areas were identified by individual underwater soundings via surface water GPS readings and mapping in determining the total damaged area.  Calibrated transect lines were laid within boundaries in determining the destroyed coral life forms measured per square centimeter. Inverts and reef fishes were recorded to supplement the data within the subject ecosystem assessment,” ang post ng pinuno ng HARIBON-Palawan kahapon bilang bahagi ng mga kapamaraanan na kanilang ginawa.

Ayon kay Magallanes, sila sa HARIBON ang nagsagawa ng under water sounding upang magawa ang mapa at itinali roon ang lubid upang lumutang ang mga boya, tiningnan naman ito ng DENR sa GPS para makuha ang total damage area at sinukat ng PCSDS para sa validation.

“Pero ayon doon sa dive plan na may hukay na akala namin may kalsadang nagawa, wala kaming nakita kasi na-retrieve naman kaagad [ang nabahurang bangka] kaya lang may total wreckage ng massive Porites. ‘Yong Porites kasi, ‘yan ‘yong mga malalaking corals, mga limestone corals ‘yan. Ngayon, no’ng nabasag, kailangang itihaya kasi maga-rehabilitation plan pa kami para makakain ‘yong corals sa gabi kasi sa gabi ‘yan kumakain,” ani Magallanes.

Aniya, nasa 22 Porites o mga malalaking bahura, na kasing laki ng mga kwarto, ang kasama sa mga nadurog sa pagdaan ng bangka sa bahaging iyon.

Bilang unang tugon ng grupo ay itihaya ang mga tumaob na mga korales upang maiwasang lumutin at mamatay ang mga coral polyps.

“Yong buo kasi na nabiyak na dilaw, limestone na lahat ‘yon…pero sa ibabaw niya ‘yon ‘yong mga coral polyp ‘yon na kumakain sa gabi. Kailangang mabuhay ‘yon, irekuber mo ‘yon. Ang iba itinihaya namin kahapon, ngayon, hindi na namin kaya kasi  malakas na  ‘yong alon,” ani Magallanes.

Sa Huwebes naman sa susunod na linggo ay nakatakdang magpresenta ng kanya-kanyang report ang mga grupo sa PAMB base sa kanilang naging papel sa assessment.

Kapag naipresenta na sa PAMB meeting ay iko-consolidate naman ito ng DENR at isusumite sa panrehiyong tanggapan hanggang sa kalihim ng Kagawaran para sa nakatakdang pagsasampa ng kaso o pagpapamulta sa kompanyang may-ari ng bangka.

Aniya, sa paniningil  para sa damage ay nasa halagang dolyar saka iko-convert sa piso na ibabase naman sa katumbas na halaga per square centimeter sa  National  Oceanic and Atmospheric Administration (NOAA) dahil sa kasalukuyan ay wala pa umanong batas,  walang ordinansa at wala rin sa Fisheries Code sa Pilipinas ang imumulta sa mga pagsadsad ng mga sasakyang pandagat.

Sa kasalukuyan ay nananatili namang nasa kustodiya ng Coast Guard sa Brgy. Rio Tuba, Bataraza ang sangkot na commercial fishing vessel na nahaharap sa paglabag sa Section 96 ng RA 10654 o ang batas na nag-aamiyenda sa Philippine Fisheries Code of 1998 (Republic Act No. 8550).

Tags: fishing vesselHARIBON-PalawanPAMB Ursula
Share104Tweet65
ADVERTISEMENT
Previous Post

Empleyado ng MENRO-Aborlan, patay sa aksidente sa daan

Next Post

Deadly sins in Personal Finance

Diana Ross Medrina Cetenta

Diana Ross Medrina Cetenta

Related Posts

Alvarez urges public not to fear Pax Silica project
Energy

Alvarez urges public not to fear Pax Silica project

August 9, 2026
CBNC plants over 5,000 Palawan endemic trees to mark World Environment Day
Environment

CBNC plants over 5,000 Palawan endemic trees to mark World Environment Day

July 3, 2026
Structure in mangroves area demolished
City News

Structure in mangroves area demolished

May 18, 2026
PAGASA: El Niño may emerge starting June 2026
Environment

PAGASA: El Niño may emerge starting June 2026

May 15, 2026
PAWS urges public to stop cruelty vs macaque
Environment

PAWS urges public to stop cruelty vs macaque

May 9, 2026
Need for dwelling space triggers mangrove cutting in Luzviminda
City News

Need for dwelling space triggers mangrove cutting in Luzviminda

April 30, 2026
Next Post
Finding an Edge Palawan Daily News

Deadly sins in Personal Finance

5 KDramas you need to watch to understand Mental Health

5 KDramas you need to watch to understand Mental Health

Discussion about this post

Latest News

New culvert bridge improves access in Bataraza barangay

New culvert bridge improves access in Bataraza barangay

September 23, 2026
Mynt Inc., nakakuha ng PSE approval para sa hiling na IPO nito

Mynt Inc., nakakuha ng PSE approval para sa hiling na IPO nito

September 23, 2026
Analysts back strong valuation for GCash parent Mynt ahead of historic IPO

Analysts back strong valuation for GCash parent Mynt ahead of historic IPO

September 16, 2026
Suntrust and the making of a new Puerto Princesa

Suntrust and the making of a new Puerto Princesa

September 16, 2026
MV June Aster captain appears as only five of 76 victims identified

MV June Aster captain appears as only five of 76 victims identified

September 16, 2026

POPULAR NEWS

  • Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    15288 shares
    Share 6115 Tweet 3822
  • ‘Rizal is still relevant in a modern society’

    11828 shares
    Share 4731 Tweet 2957
  • Aktres na si Maja Salvador, sa Puerto Princesa inabutan ng quarantine

    10305 shares
    Share 4122 Tweet 2576
  • Everything you need to know about ukay-ukay and its illegality

    10284 shares
    Share 4114 Tweet 2571
  • Palawan ranks 2nd for 2020 Hottest Destination in the world

    9764 shares
    Share 3905 Tweet 2441
ADVERTISEMENT
Palawan Daily News

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing

Navigate Site

  • Home
  • Latest News
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN

Follow Us

No Result
View All Result
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing