ADVERTISEMENT
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
No Result
View All Result
Home Feature

Fuerza Sta. Isabel ng bayan ng Taytay, saksi sa makulay na kasaysayan ng Palawan

Diana Ross Medrina Cetenta by Diana Ross Medrina Cetenta
November 28, 2019
in Feature, Provincial News, Travel & Tourism
Reading Time: 4 mins read
A A
0
Fuerza Sta. Isabel ng bayan ng Taytay, saksi sa makulay na kasaysayan ng Palawan
Share on FacebookShare on Twitter
Print Friendly, PDF & Email

Kilala ngayon ang lalawigan ng Palawan sa mga magagandang destinasyong pangturismo at mayamang kagubatan at kalikasan, ngunit hindi lamang ito ang maipagmamalaki ng probinsiya kundi ang mayaman nitong kasaysayan.

Kagaya na lamang ng Munisipyo ng Taytay, dating kahariang pinamunuan ng mga angkang maharlika at ang unang ginawang kapital ng lalawigan sa panahon ng pananakop ng Espanya sa bansa. Sa bayang ito itinatag ang Fuerza de Sta. Isabel na may malaking naiambag sa katatagan at tagumpay ng mga Pilipino.

RelatedPosts

Boracay, Palawan, and Siargao among Asia’s Top Islands

Starbucks to soft open in Puerto Princesa on October 15

Farmer in Puerto Princesa’s Sta. Lucia finds success in cabbage farming

Batay sa mga impormasyong nakapaskil sa Fuerza Sta. Isabel Museo sa Bayan ng Taytay, sa kasaysayan, unang nabanggit ang salitang “Taytay” sa panulat ng Italian chronicler na si Antonio Pigafetta nang dumaong sila sa porto de Taitai o pantalan ng Taytay na noon ay pinamumunuan ng chieftain na si Datu Maamud na pamangkin ng Sultan ng Brunei, hari ng Sulu at Raja ng Selurong (Maynila).

Nakarating doon si Pigafetta, kasama ang ilang natirang buhay na tauhan ni Magellan matapos tumakas sa labanan sa Mactan noong 1521. Sa labanang iyon ay nagapi ni Datu Lapu-lapu si Magellan kaya naglayag sina Pigafetta patungong hilagang bahagi ng Polaoam (Palawan) sa ilalim ng bagong lider, si Capitan Juan Sebastian de Elcano upang tapusin ang pag-ikot sa buong mundo sa pamamagitan ng paglalayag.

Tinawag din ni Pigafetta na “La Tierra de Promisos” o “Land of Promise” ang Taytay na dahil sa mayamang agrikultura ng lugar ay naligtas sila mula sa gutom. Isinalaysay din niyang sa kauna-unahang pagkakataon ay nakita niya ang naiibang laro ng mga katutubo kung saan ay pinupustahan nila at pinaglalaban ang dalawang manok o ang tinatawag na ngayong sabong.

Halaw naman ang pangalan ng Taytay sa “Talaytayan” o tulay na kahoy o kawayan na ginagamit ng mga indigenous people na daan patungo sa kabilang ibayo.

Taong 1623 o makalipas ang mahigit isang siglo ay muling bumalik sa nasabing bayan ang mga Espanyol. Ang naturang joint military at religious expedition ay pinamumunuan ng mga prayleng sina Francisco de San Nicolas, Ezekiel Moreno (St. Ezekiel na ngayon) at Diego Sta. Ana; at Hermano de la Madre de Dios. Doon ay nang pormal nang itinatag ang Taytay hanggang sa naakay ng mga misyunaryo ang mga mamamayan sa pananampalatayang kristiyano at ginawang patron si Sta. Monica na siya ring patron ng mga Rekoletos.

Noong 1667 naman nang ginawa ang ngayo’y makasaysayang Fuerza de Sta. Isabel o ang Fort Sta. Isabel na nagsilbing himpilang pangmilitar ng mga otoridad.

Ngunit nang dahil sa pagnanais ng mga Muslim na maibalik ang kahariang dating sa kanila, sa paglipas ng mga panahon ay nagpatuloy ang kanilang pag-atake na sinabayan pa ng pagnanais naman ng mga piratang Tsino na kontrolin ang ruta para sa kalakal ay napagdesisyunan ng mga Kastilang pinuno na mas palakasin pa ang kuta na gawa pa noon sa kahoy. Pagsapit ng taong 1738 ay natapos na ang mas matibay na istruktura na gawa sa korales at limestone na pangunahing depensa laban sa mga umaatakeng moro sakay ng makukulay nilang bangka.

Sa nasabing moog, makikita ang fortress sa itaas habang sa ibaba naman ay ang cuerpo de guardia (guard house), vivienda del cargo (tanggapan ng kapitan ng kuta) na kalauanan ay ginawang kapilya, almagazen de vivires (food supply storage), almagazen del polvora (gun powder), cozenas del castellano y soldades (kainan ng mga sundalong Espanyol), at aljibe (cistern).

Di maitatangging naging depensa ng mga Taytayanos ang Taytay Fort.

Mula sa matagumpay na pananakop ng mga Espanyol sa hilagang bahagi ng Paragua (Palawan), taong 1818 nang isama naman ang southernpart na isa noong hiwalay na lalawigan na tinawag na Astoria upang maging isang lalawigan at tinawag na Calamianes at ginawang sentro ang bayan ng Taytay.

Ngunit kalaunan, dahil sa patuloy na pananalakay ng mga moro ay inilipat sa Cuyo ang Kapital ng probinsiya noong 1873.

Sa paglipas pa ng panahon, naging saksi rin ang Kuta sa mithiin ng mga Pilipino na makamit ang kasarinlan mula sa pagmamalabis ng mga mananakop na Kastila.

Sa pag-usbong ng damdaming makabayan, at pag-aalsa laban sa manlulupig, kabilang din ang mga Taytayanos sa nagpakita ng tapang upang maging malaya ang mga Pilipino.

Kabilang sa mga nakaimpluwensiya ng mahigit sa naging aksyon ng mga Pilipino ay ang panulat ni Gat., Dok. Jose P. Rizal na “El Filibusterismo” at “Noli Me Tangere” at pagpatay sa kanya at sa iba pang pagmamalabis ng mga namumuno. Napukaw din ang galit ng mga Pilipino nang bitayin ang 13 Martires sa Cavite na kung saan kasamang pinarusahan si Don Ruperto Lacsamana ng Mabalacat, Pampanga at hinatulang makulong sa Kuta ng Taytay.

Sa kanyang pamamalagi ay nagawa pa rin niyang kumbensihin ang mga Pilipinong opisyal na Kapampangan na nakadestino sa Kuta at maging ang sa Munisipyo ng Taytay.

Nang malapit nang magtapos ang ika-19 siglo, nagkaroon ng mas matitinding mga sagupaan sa pagitan ng mga sundalong Kastila at mga rebolusyunista sa buong bansa na naganap din sa Taytay na kalaunan ay nagresulta sa tuluyang pagtatapos ng mahigit tatlong siglong kolonisasyon ng Espanya sa Pilipinas at pagsuko nito sa Estados Unidos. Itinatag ng mga Pilipino ang revolutionary government sa pamumuno ni Gen. Emilio Aguinaldo, ang itinuturing na kauna-unahang presidente ng republika ng Pilipinas ngunit hindi rin nagtagal dahil pumasok na ang Commonwealth Government.

Opisyal namang naging Palawan ang pangalan ng lalawigan noong 1903 matapos ang Digmaang Pilipino-Amerikano at naging sentro ang Puerto Princesa. Sa kabuuan ay naging maayos at naging maunlad ang Palawan sa ilalim ng pamamalakad ng mga Amerikano dahil inilapit nila ang gobyerno sa mga mamamayan, nagpatayo ng mga eskwelahan at inintrodyus ang agrikultura.

At sa ikatlong sumakop sa Pilipinas, ang bansang Hapon, di rin matatawaran ang papel na ginampanan ng Fuerza Sta. Isabel upang mapanumbalik ang kalayan ng Palawan at ng bansa sa kabuuan.

Taong 1945, inatasan si Gen. Douglas McArthur na bawiin ang Palawan sa ilalim ng operation code name na Victory I at II at ipinadala ang 8th Army Regimen sa probinsiya. Unang kumilos ang local guerrilla movement, ang Palawan Special Battalion 6th Military District, sa pangunguna ng mga local heroes na sina Capt. Carlos, Maj. Pablo, kasama sina Muyok Amores, Higinio Mendoza, Alfred at Paul Cobb, Allied Intelligence Bureau Jesus Villamor, at Headquarter SWPA Charles Person. At sa tulong at pakikipagtulungan ng ilang lokal na bayani ng Taytay ay naging matagumpay ang kanilang pagbawi sa Fort Sta. Isabel na naging hudyat upang tuluyan nang tuldukan ang ilang taon ding digmaan sa Pilipinas at sa rehiyong Pasipiko dulot ng Imperalistang Hapon.

Bunsod ng importansiya sa kasaysayan ng Palawan at bansa, sa ilalim ng bagong administrasyon ng lokal na pamahalaan ng Taytay , katuwang ang National Historical Commission of the Philippines (NHCP) ay nakalatag na ang plano sa pangkabuuang restoration at rehabilitation project ng Fort Sta. Isabel Heritage District sa pag-asam ng lubos na pangangalaga rito, pagprotekta at pagpapahalaga para sa mga susunod pang salinlahi.

Tags: fort sta isabelhistorypalawantaytay
Share519Tweet325
ADVERTISEMENT
Previous Post

Job order at contract of service employees ng City Gov’t, makatatanggap ng P3,000 year-end bonus bago mag-Pasko

Next Post

PNNI, may agam-agam sa nalalapit na plebisito

Diana Ross Medrina Cetenta

Diana Ross Medrina Cetenta

Related Posts

El Nido reminds tourists’ adherence to dress code in town areas following elders’ request
Feature

Boracay, Palawan, and Siargao among Asia’s Top Islands

October 18, 2025
Starbucks to soft open in Puerto Princesa on October 15
Feature

Starbucks to soft open in Puerto Princesa on October 15

October 7, 2025
Farmer in Puerto Princesa’s Sta. Lucia finds success in cabbage farming
Agriculture

Farmer in Puerto Princesa’s Sta. Lucia finds success in cabbage farming

September 29, 2025
Rare Palawan frog found in Narra signals clean rivers — and looming threats
Environment

Rare Palawan frog found in Narra signals clean rivers — and looming threats

September 29, 2025
765,991 tourists flock to Palawan in the first half of 2023
Feature

Palawan named among top global destinations by Condé Nast Traveler

September 21, 2025
Swimjunkie Challenge: San Vicente MOA signing
Feature

Swimjunkie Challenge to kick off in San Vicente next year

September 17, 2025
Next Post
PNNI, may agam-agam sa nalalapit na plebisito

PNNI, may agam-agam sa nalalapit na plebisito

The proposed cityhood of Bataraza

The proposed cityhood of Bataraza

Discussion about this post

Latest News

Puerto Princesa City Old Public Market, nasunog

Puerto Princesa City Old Public Market, nasunog

January 29, 2026
Gob. Amy Alvarez sa mga empleyado ng nakaraang administrasyon na hindi pa rin nakakasahod: ‘I signed na everything’

Gob. Amy Alvarez sa mga empleyado ng nakaraang administrasyon na hindi pa rin nakakasahod: ‘I signed na everything’

January 28, 2026
Mayor Bayron greenlights ₱6,000 quarterly allowance for Puerto Princesa law enforcers

Mayor Bayron greenlights ₱6,000 quarterly allowance for Puerto Princesa law enforcers

January 28, 2026
Strip the money and see who still files candidacy

What other countries get right about crocodiles and why Palawan should be careful

January 28, 2026
Jomari Poultry Farm

Poultry farm sa Brgy. Bacungan, pansamantalang ipinatigil ang operasyon

January 24, 2026

POPULAR NEWS

  • Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    15229 shares
    Share 6092 Tweet 3807
  • ‘Rizal is still relevant in a modern society’

    11649 shares
    Share 4660 Tweet 2912
  • Aktres na si Maja Salvador, sa Puerto Princesa inabutan ng quarantine

    10297 shares
    Share 4119 Tweet 2574
  • Everything you need to know about ukay-ukay and its illegality

    9891 shares
    Share 3956 Tweet 2473
  • Palawan ranks 2nd for 2020 Hottest Destination in the world

    9729 shares
    Share 3891 Tweet 2432
ADVERTISEMENT
Palawan Daily News

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing

Navigate Site

  • Home
  • Latest News
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN

Follow Us

No Result
View All Result
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing