ADVERTISEMENT
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
No Result
View All Result
Home Feature

Panghihikayat ay tigilan, layuan ang kabataan

Christopher Jorquia by Christopher Jorquia
November 20, 2020
in Feature
Reading Time: 2 mins read
A A
0
Panghihikayat ay tigilan, layuan ang kabataan
Share on FacebookShare on Twitter
Print Friendly, PDF & Email

“Hands off our children!”, ika nga ng mga magulang na naglaho ang mga anak na parang bula mula sa kanilang kalinga.

1969 pa lamang, ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) ay unti-unti nang nagpapakilala sa Pilipinas. Ang layunin o ang motibo sa pagbuo ng grupo ay iisa lang – ang magtatag ng isang sistemang Marxist sa Pilipinas kung saan ito ay pamumunuan ng mga manggagawa at malaya sa impluwensya ng Estados Unidos. Ang pagbuo ng grupong ito ay isa rin sa naging dahilan kung bakit nagdeklara ng Martial Law ang dating Pangulong Ferdinand Marcos noong September 21, 1972 sa bisa ng Proclamation No. 1081.

RelatedPosts

Suntrust and the making of a new Puerto Princesa

160 na Palaweñong estudyante, bagong scholars ng Palawan Group of Companies

Palawan students win medals at Hong Kong International Math Olympiad

Ang gobyerno ay hindi perpekto, ngunit isa na ba itong makabuluhang rason upang pabagsakin ang gobyerno? Alam ng lahat na hindi makatarungan ang lumaban sa gobyerno tulad ng ginagawa ng mga CPP-NPA-NDF, dahilan kung bakit maraming tao ang tunay ngang galit na galit sakanila. May karapatan ang lahat na magreklamo ngunit hindi kailangan lumaban sa batas at gobyerno.

Kilala ngayon ang samahang “Hands Off Our Children,” samahan ng mga magulang kung saan ang kanilang mga anak ay napabilang sa mga na-recruit ng CPP-NPA-NDF bilang karagdagang miyembro ng kanilang grupo. Ang grupong Hands Off Our Children ay nagbibigay din ng payo sa mga kapwa nila magulang na nabiktima rin.

Maganda ang naisip ng mga magulang na magkaisa para sa mga anak nila. Magandang magdamayan sila nang sa gayon ay mapag-usapan nila ang mga magagandang aksyon na maaari nilang gawin sa mga pangyayaring ito. Ngunit palaisipan sa kanila kung bakit nagustuhan ng mga bata o mga estudyante na sumali sa kanilang grupo. Kung iisipin, alam ng lahat na hindi maganda ang layunin ng mga grupong ito.

Ayon sa mga magulang, at ayon na rin sa mga taong dating kasapi ng armadong grupo, ang mga anak daw nila ay hinihikayat na sumama para sa mga iba’t ibang aktibidad ng grupo at kalaunan sa isang “immersion” kung saan inaakyat nila ang mga bata sa bundok upang matuto. Ngunit ang hindi nila alam, sila ay makakabilang na sa grupong CPP-NPA-NDF at hindi na makakabalik sa kanilang mga pamilya. Masakit para sa isang magulang na mawalay sa kanila ang kanilang mga anak, lalo na’t alam nilang hindi mapapabuti ang kanilang mga anak.

Hindi makatarunangang ilayo ang anak sa isang magulang, lalo pa at mali ang impormasyon na alam nila sa kung ano talaga ang gagawin sa anak nila. Wala ring katuturan ang turuan ang mga bata kung paano maging rebelde sa tao at sa kanilang mga magulang. Ayon sa mga magulang ng mga bata, sinabi raw sa kanila na tanggapin na lang nila na naging rebelde na ang anak nila at wala na silang magagawa pa. Kahit kailan, hindi mo pupuwedeng diktahan ang
isang magulang dahil alam nila kung ano ang mas makakabuti at ang mga hindi makakabuti para sa mga anak nila.

Gayunpaman, kahit na para sa CPP-NPA-NDF ay mayroon silang “magandang dahilan” kung
bakit nila nagagawang magrebelde sa bansa, mas marami pa ring mga Pilipino ang naniniwalang mali ang kanilang ginagawa. Maling diktahan ang mga tao sa kung ano ang gagawin nila. Gawin mo ang gusto mo at maniwala ka sa gusto mo ngunit kahit kailan ay huwag mong lokohin at pilitin ang isang tao upang maniwala rin sa mga pinaniniwalaan mo.

Share116Tweet73
ADVERTISEMENT
Previous Post

10 Chinese na pumasok ng ilegal sa Puerto Princesa, hinatulan na ng korte

Next Post

Samantha Bernardo, sinigurong maiuuwi ang korona sa ikatlong pagsali sa Bb.Pilipinas

Christopher Jorquia

Christopher Jorquia

Related Posts

Suntrust and the making of a new Puerto Princesa
Business

Suntrust and the making of a new Puerto Princesa

September 16, 2026
160 na Palaweñong estudyante, bagong scholars ng Palawan Group of Companies
Feature

160 na Palaweñong estudyante, bagong scholars ng Palawan Group of Companies

September 2, 2026
Palawan students win medals at Hong Kong International Math Olympiad
Education

Palawan students win medals at Hong Kong International Math Olympiad

August 26, 2026
Brooke’s Point launches province’s 1st LGU-led Tech-Voc Day & Month celebration
Feature

Brooke’s Point launches province’s 1st LGU-led Tech-Voc Day & Month celebration

August 26, 2026
Kiwanis Club of the Bright Beginnings Brings Hope and Care to 438 Students in Puerto Princesa
Feature

Kiwanis Club of the Bright Beginnings Brings Hope and Care to 438 Students in Puerto Princesa

August 1, 2026
Pasinggatan Festival 2026 makes history as the biggest municipal festival in Palawan
Feature

Pasinggatan Festival 2026 makes history as the biggest municipal festival in Palawan

May 9, 2026
Next Post
Samantha Bernardo, sinigurong maiuuwi ang korona sa ikatlong pagsali sa Bb.Pilipinas

Samantha Bernardo, sinigurong maiuuwi ang korona sa ikatlong pagsali sa Bb.Pilipinas

Prov’l Gov’t, nananawagan ng agarang paglutas sa pagpatay kay Atty. Magcamit

Prov’l Gov’t, nananawagan ng agarang paglutas sa pagpatay kay Atty. Magcamit

Discussion about this post

Latest News

New culvert bridge improves access in Bataraza barangay

New culvert bridge improves access in Bataraza barangay

September 23, 2026
Mynt Inc., nakakuha ng PSE approval para sa hiling na IPO nito

Mynt Inc., nakakuha ng PSE approval para sa hiling na IPO nito

September 23, 2026
Analysts back strong valuation for GCash parent Mynt ahead of historic IPO

Analysts back strong valuation for GCash parent Mynt ahead of historic IPO

September 16, 2026
Suntrust and the making of a new Puerto Princesa

Suntrust and the making of a new Puerto Princesa

September 16, 2026
MV June Aster captain appears as only five of 76 victims identified

MV June Aster captain appears as only five of 76 victims identified

September 16, 2026

POPULAR NEWS

  • Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    15288 shares
    Share 6115 Tweet 3822
  • ‘Rizal is still relevant in a modern society’

    11828 shares
    Share 4731 Tweet 2957
  • Aktres na si Maja Salvador, sa Puerto Princesa inabutan ng quarantine

    10305 shares
    Share 4122 Tweet 2576
  • Everything you need to know about ukay-ukay and its illegality

    10284 shares
    Share 4114 Tweet 2571
  • Palawan ranks 2nd for 2020 Hottest Destination in the world

    9764 shares
    Share 3905 Tweet 2441
ADVERTISEMENT
Palawan Daily News

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing

Navigate Site

  • Home
  • Latest News
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN

Follow Us