Inaasahan na maglalabas ng update ang Philippine National Police (PNP) ukol sa pagbibigay nito ng Performance-Based Bonus (PBB) para sa taong 2021 ng mga kawani.
Ang bonus na ito ay iginawad batay sa pagsusuri ng pag-ganap ng bawat pulis sa kanilang mga trabaho para sa panahon ng Enero hanggang Disyembre 2021.
Upang maging eligible sa PBB FY 2021, kinakailangan ng isang pulis ng minimum na iskor na 70 puntos. Noong Pebrero 2023, ang PNP ay nakakuha ng 70 out of 100 puntos, katumbas ng 45.5% ng buwanang base pay ng isang indibidwal hanggang Disyembre 31, 2021.
Upang mapabuti ang iskor na ito, nagsumite ang PNP ng apela noong Marso 23, 2023. Pagkatapos ng ilang yugto ng pagsusuri at koordinasyon, nakuha ng PNP ang isang binagong iskor na 80 puntos noong Hulyo 2023, na nangangahulugang 52% ng buwanang base pay.
Bagaman eligible ang PNP para sa FY 2021 PBB, ilang Unit/Personnel ng PNP ang kinakailangang dumaan sa isolation dahil sa iba’t-ibang isyu ng hindi pagsunod, kabilang ang hindi pagkakamit ng mga target sa pagganap, PhilGEPS Posting, pagsusumite ng FY 2021 Non-Common Use Supplies and Equipment, pagsusumite ng FY 2020 Agency Procurement Compliance and Performance Indicators, at pagsasagawa ng Early Procurement Activities.
Sa naging pahayag ni PNP Chief Police General Benjamin C Acorda Jr, nagpasalamat ito sa kapulisan sa kanilang dedikasyon at pagsusumikap sa buong taon ng 2021.
Ang PBB para sa FY 2021 ay naglalarawan ng pagkilala sa masigasig na trabaho at tagumpay.
“While we have made progress, we acknowledge that there is room for improvement. We are taking steps to address areas where targets were not met. I assure you that we are committed to enhancing our performance and delivering better results in the future,” pahayag ni Police General Acorda.
Inaasahan na ilalabas ang PNP PBB para sa FY 2021 sa loob ng Nobyembre 2023 batay sa mga huling hakbang ng proseso ng pagsusuri.
Discussion about this post