Arestado ang dalawang lalaki sa ginawang operasyon sa Purok Honda Bay, Barangay Santa Lourdes, Puerto Princesa City ganap na 12:30 ng tanghali noong Biyernes, Oktubre 20.
Kinilala ang mga naaresto bilang sina Ronnel Diaz Jadulos, 43-anyos, security guard, at si Roel Bilagot Dacsayan, 36-anyos, mason carpenter, pawang mga residente sa nasabing lugar.
Ang operasyon ay isinagawa ng Intelligence Operatives ng Irawan Police Station 2-PPCPO na pinamumunuan ni Police Captain Douglas Sabando.
Si Ronnel Diaz Jadulos ay naaresto dahil sa paglabag sa RA 10591, habang si Roel Bilagot Dacsayan ay na-aresto dahil sa kanyang pakikilahok o pagkakasangkot sa bentahan ng hindi lisensiyadong baril.
Nakuha ang sumusunod na ebidensya:
a. Isang (1) pirasong Cal 38 revolver
b. Isang (1) pirasong Brown Holster
c. Isang (1) pirasong cellphone (keypad) na Nokia
d. Isang (1) pirasong cellphone (keypad) na Samsung
e. Dalawampung (20) piraso ng live ammunition ng .38 caliber
f. Isang (1) bike saddle kulay itim at dilaw
Samantala, kasalukuyang nasa kustodiya na ng Police Station 2 ang dalawang indibidwsk para sa dokumentasyon at at mahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 (Illegal Possession of Firearms) sa bisa ng umiiral na Omnibus Election Code. Sila ay nakatakdang sumailalim sa inquest proceeding.
Discussion about this post