Kulungan ang bagsak ng isang lalaki matapos madakip dahil sa ilegal na droga noong Biyernes, Disyembre 1, bandang 6PM ng gabi sa Barangay Maranggas, Bataraza, Palawan.
Ang inarestong suspek ay kinilalang si “Eric.” 23-anyos, at residente ng nasabing barangay.
Sa isinagawang Anti-Illegal drug operation (Buy-bust) ng mga tauhan ng PDEU kasama ang mga tauhan mula sa Bataraza MPS, nahuli sa aktong pagbebenta ang suspek.
Nakumpiska sa kanya ang isang (1) heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting kristaladong substansiya na pinaniniwalaang Methamphetamine Hydrochloride o “shabu.”
Nakuha din sa kanyang kustodiya ang sumusunod na mga item:
Isang (1) heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting kristaladong substansiya na pinaniniwalaang methamphetamine hydrochloride o shabu, P1500 na perang ginamit sa buy-bust, dalawang (2) na unit ng cellphone (touch screen) na kulay puti at itim, isang (1) na BIR card.
Anya, ang kabuuang tinatayang timbang ng nakumpiska ay nasa 0.85 gramo na may katumbas na halagang P3,000.
Samantala, ang naarestong suspek ay dinala sa Bataraza MPS, at kinakaharap ang kasong paglabag ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
Discussion about this post